May Isang Pangit(66)
POSITIVE. Buntis si Alice. Tuwang-tuwa ang mag-asawa nang malaman ang resulta.
Nang umuwi, ay nagkandabulol si Tibur sa pagkukuwento kay Ate Rosa.
“Sabi ko na nga ba at buntis si Alice,” sabi ni Ate Rosa.
“Lalo tuloy akong na-inspired Ate Rosa. Pakiramdam ko lalo akong sumigla. Siguro ko madodoble pa lalo ang pagtatrabaho ko sa farm. Kahit na ano pa ang ibigay na trabaho sa akin ni mister mo — ni George ay hindi ko tatanggihan. Kahit sa gabi magtatrabaho ako.’’
Nagtawa si Ate Rosa.
“Aba magpahinga ka naman. Mahirap din naman ang walang pahinga. Baka magkasakit ka. Marami ka ngang pera dahil sa OT e maysakit ka naman. Balewala ang pera kapag may sakit ka na. Pinaka-mahalaga pa rin ang malusog ang katawan. Wala nang hihigit pa kung malusog ang katawan.’’
Napatango si Tibur. Maski ang amo niya sa Saudi ay halos ganundin ang payo – huwag abusuhin ang sarili. Magpahinga.
“Dito naman sa Australia ay maraming benefits kaya kahit huwag kang masyadong nagpapakahirap. Hinay-hinay lang Tibur.”
“Oo, Ate.”
MABILIS mahalata ang tiyan ni Alice. Isang buwan lang ay nakabukol na. Sa tingin ni Tibur ay lalong gumanda si Alice. Ano ka-yang anak nila. Baka babae. Kapag maganda raw ang nagbubuntis ay babae ang magiging anak.
“Anong gusto mong anak, Alice?”
“Babae, Tibur. Ikaw?”
“Kahit babae o lalaki walang problema. Basta maganda at guwapo.”
Nagtawa si Alice.
“Sana maging madali ang panganganak ko Tibur.”
“Makakaraos ka nang maayos, Alice.”
MAKALIPAS ang si-yam na buwan, nanganak si Alice. Hindi nahirapan sa panganganak. Isang malusog at magandang sanggol na babae. Masayang-masaya si Tibur. Daddy na siya.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending