MALIGAYANG-MALIGAYA si Tibur sa dumating na suwerte sa kanyang buhay — si Alice iyon. Talo pa niya ang nanalo sa lotto. Wala na siyang mahihiling pa. Sobra-sobra na si Alice para kay Tibur na bigay ng Diyos sa kanya.
“Gusto ko, tatlo ang anak natin, isang babae at dalawang lalaki.”
“Ako kahit dalawa puwede na.’’
“Bakit ayaw mo ng tatlo?”
“May edad na tayo, baka hindi ko kayanin.”
“Lampas 40 pa lang naman tayo.’’
“Kailangan daw mga 27 ang age ng lalaki at babae para malusog ang mga anak.”
“Sana pala nagka-kilala na tayo noong pareho pa tayong 27 years old ano.”
“Oo, kahit anim na anak puwede.”
“Kaso noong 27 years old ako, nasa Pilipinas pa ako noon. Hindi ko pa nakikilala si Gina.”
‘‘Siguro talagang ngayong panahon tayo nakatakdang magkita at magka-asawahan ano.’’
“Palagay ko nga.”
“Basta ang alam ko, maligaya ako ngayon, Tibur. Ikaw ang lahat sa akin.”
Niyakap ni Tibur si Alice.
MULA noon, na-ging worker na ng farm si Tibur. Siya na ang gumagawa ng mga mabibigat na gawain. Ipinakita niya ang kasanayan sa pagbubungkal ng lupa, pagtatanim, pag-aani at iba pa.
Tuwang-tuwa si George at Ate Rosa sa nakikitang mahusay na pagtatrabaho ni Tibur. Malaking tulong sa pag-unlad ng negosyo ang kaka-yahan ni Tibur.
Makalipas ang isang buwan, isang magandang balita ang dumating kina Tibur at Alice.
(Itutuloy)