^

True Confessions

May isang Pangit (61)

- Ronnie M. Halos -

HINDI makapagsalita si Tibur. Talagang na­gulat siya sapagkat ang nakita niya ay mga tao na pawang nakangiti sa kanya. May dalawang Australyano at ang iba ay mga Pinoy na.

“Welcome Tibur!” Sabing-sabing sabay-sabay ng mga tao.

Lalo nang hindi malaman ni Tibur ang gagawin.

“Tibur, ipinakikilala ko sa’yo ang mga kapatid ko at pamilya nila,” sabi ni Alice. “Siya si Ate Rosa, ang panganay namin. Ang asawa niya ay George, yung puti na nasa likod.

“Kumusta po kayo?” Sabi ni Tibur at lumapit sa mga kapatid ni Alice. Isa-isang kinamayan at hinalikan. Pati ang Australyanong si George ay kinamayan niya. Tanggap na tanggap si Tibur. Mainit na mainit ang pagtanggap sa kanya.

“Nagulat ka ba Tibur?” Tanong ni Ate Rosa.

“Oo, Ate Rosa. Hindi ko akalain na ganito pala kainit ang pagtanggap n’yo sa akin.”

“Ayaw nga ni Alice pero ako ang mapilit. Sabi ko para naman maging memorable ang pagdating mo rito. At saka para madama mo ang pagtanggap namin sa’yo bilang miyembro ng pamilya. Naniniwala kami na ikaw ang karapat-dapat sa aming kapatid na si Alice­. At sinasabi ko naman na hindi ka magsisisi sa pagkakapili sa aming kapatid sapagkat nasa kanya na lahat ang mga kata­ngian na hinahanap ng mga lalaki. Mahal na mahal ka ng kapatid namin Tibur…”

“Salamat sa pagtitiwala, Ate Rosa. Makakaasa ka at ang iba mo pang kapatid na mamahalin ko nang labis si Alice.”

“Kailangan magkaanak na agad kayo kasi malapit na kayong maging gurang. Apurahin agad, Tibur.”

“Oo, Ate Rosa.”

“Kung ganoon, ano pa ang hinihintay natin, kumain na tayo. Pagsaluhan natin ang masaganang pagkain para kina Tibur at Alice.”

Nagpalakpakan. Ma­raming lumapit kay Tibur at kumamay. Masayang-masaya si Tibur at Alice.

“Nasorpresa ako, Alice­.”

“Halata ko nga.”

“Lalo kitang minahal, Alice.”

“Ako rin, Tibur.”

(Itutuloy)

vuukle comment

ALICE

APURAHIN

ATE ROSA

OO

SABI

TIBUR

WELCOME TIBUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with