^

True Confessions

May Isang Pangit (32)

- Ronnie M. Halos -

“MARAHAN na marahan ang paglapit ng anino sa nakahigang si Janice. Kabisadung-kabisado nito ang gagawin. Ang mga kilos ay tiyak na tiyak. Walang anumang inalis ang kumot na nakatakip kay Janice. Inililis ang laylayan ng palda. Hanggang sa ma-tambad ang puting panloob. Kumislap sa dilim ang mga matang nagnanasa at takam na takam sa kagandahan ni Janice.

“Binatak pababa ang panloob. Naibaba iyon hanggang tuhod. Wala pa ring malay si Janice. Napakahim-bing ng tulog. Tila isang panaginip ang nangyayari sa kanya.

“Lalong nagkaro­on ng lakas ang anino at pinaglaruan muna ang kaselanan ni Ja­nice. Para bang sabik na sabik. Gusto munang pagsawaan bago umisip ng ano pang gagawin sa katawan ni Janice.

“Nang tila ulol na ulol na ang anino, nag­hubad na ito. Igagawa na ang balak kay Ja­nice na noon ay wala pa ring malay at him-bing na himbing. Li-ngid sa kanyang kaa-laman, itututok na sa kanyang kaselanan ang sandatang magwawasak sa kanyang kinabukasan. Iyon ang tatapos sa kanyang masayang buhay sa mundong ibabaw.

“Nagawa ng anino ang balak. Walang anumang napaglagos. Pero nagkamalay si Janice. At hindi isang panaginip ang nangyayari sa kanya. Totoo. May gumagalaw sa kanyang pagkababae. May lumalapastangan sa kanya. Masakit ang kaselanan niya.

“Naitulak niya ang gumagawa ng kahalayan. Napabalikwas ang anino. Nakawala ang kaselanan niya sa pagkakalamon ng kakaibang hayop! Sa tapon ng liwanag na nagtatagos sa siwang ng bintana, nakilala niya ang lumalapastangan — ang among pulitiko. Kitang-kita niya ang kahayukan sa mukha. Nabitin ang pulitiko.

“Muling tinungo si Janice upang ibalik ang dating nakatimong hayop sa kaselanan nito. Pero ganap na ang pagkabalik sa malay ni Janice. Marahan niyang kinapa ang patalim sa ilalim ng unan. Hinawakan nang mahigpit. Kailangang ga­mitin niya iyon para maipagtanggol ang pagkababae.

“Hinayaan niyang makakubabaw ang pulitiko. At nang handa nang ipasok ang hayup sa kaselanan, isang matinding sak-sak ang ibinigay ni Janice sa likod nito.

“Napa-aray ang pu­litiko. Napaangat mula sa pagkakaduhapang kay Janice. Dinama ang likod. May dugo!

“Nag-ulol na sa ga-lit. Sinugod si Janice. Inagaw ang patalim sa babae. Walang nagawa si Janice sa lakas ng pulitiko. Nang maagaw, isinaksak iyon kay Janice. Ilang saksak pa. Hanggang sa bumagsak si Ja-nice sa kama.

Isinabog ng pulitiko ang mga gamit sa kuwarto. Ginulo. At pagkatapos ay mabilis na lumabas. Iniwang nakabukas ang pinto.

Nang mga sanda-ling iyon ay papara-ting na si Mulong mula sa Maynila. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Gusto na niyang makita ang asawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

BINATAK

DINAMA

HANGGANG

JANICE

NANG

NIYA

PERO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with