^

True Confessions

May isang Pangit (13)

- Ronnie M. Halos -

“MAHIRAP kasi sa Saudi, Tornado. Baka mahomsik ka lang doon e bigla kang umuwi. Alam ko ang kalagayan ng mga Pinoy dun dahil ex-Saudi rin ako.”

“Talaga bang malungkot doon, Kuya Tiburcio.”

“Oo. Lalo pa roon sa malalayong lugar.”

“Hindi ka nahomsik?”

“Hindi naman dahil sanay na akong nag-iisa. Mas gusto ko ngang nag-iisa.”

“Paano ka naman napunta ng Saudi, Kuya Tiburcio?”

“Isang dati kong kasamahan sa UST ang nag-abroad. Pagballk niya rito, tinanong ako kung gusto kong mag-Saudi. Noong una ay atubili ako dahil unang-una, pangit ako at ikalawa hindi pa ako nakatapos ng high school. Sabi ng kasamahan ko, hindi naman pagandahang lalaki at may mataas na pinag-aralan ang kailangan sa Saudi. Ang kailangan ng Arab employer ay ’yung kabisado ang trabaho at mapagkakatiwalaan. Ke masama ang mukha o hindi nakatapos, wala siyang pakialam.

“Kailangang-kailangan daw ng Arab employer ang Pinoy na all-around ang trabaho. Sa farm daw ang trabaho ng iha-hire na Pinoy. Mas gusto raw ng Arab employer ang Pinoy worker dahil mahusay magtrabaho. Samantalahin ko raw ang pagkakataon dahil hindi raw ako magsisisi kapag nakapasok sa Arabong employer. Mga $500 daw ang suweldo bawat buwan at may benepisyo pa raw. Libre ang tiket sa eroplano.

“Hindi na ako nagpakipot pa at agad kong tinanggap ang trabaho sa Saudi. Naisip ko kailangang magkaroon ng panibagong yugto ang aking buhay.”

“Bago ako nag-resign sa UST ay sini­gurado ko muna kung makakaalis agad ako patungong Saudi. Naisip ko kasi yung ibang naghahanap ng pagkakakitaan sa Saudi ay agad nagbitiw sa trabaho pero hindi pa naman tiyak kung makaaalis nga. Nang tiyak nang makaaalis ako patungong Saudi saka ako nagresign.

Mabilis nga akong nakarating sa Saudi at nakaharap ang employer. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita —Ang Arabo ay mas pangit pa kaysa sa akin!

(Itutuloy)

AKO

ALAM

ANG ARABO

KUYA TIBURCIO

NAISIP

PINOY

SAUDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with