Thelma (156)

HINDI makapagsalita si Thelma habang yakap ni Trev at paulit-ulit na sinasabing sagutin na niya si Trevor. Bibigay na ba siya?

“Huwag mo nang pahirapan si Papa, Mama. Sige na.’’

‘‘Sipsip ka siguro kay Sir Trevor mo. Bakit Papa na ang tawag mo sa kanya e hindi mo pa sigurado kung papasa siya sa akin.”

“Basta malakas ang kutob ko na gusto mo rin siya at kayong dalawa ang magkakatuluyan.”

“Paano kung mali ang kutob mo?’’

“Basta Mama, positibo ako na magkakatuluyan kayo.’’

‘‘Paano kung may mangyari sa kanya kapag tinanggap ko siya. Dala­wang beses na akong na­matayan ng asawa. Hindi ba siya natatakot? Hindi ba siya kinakabahan na ang pagkakaroon ng relasyon sa akin ang magdudulot    sa kanya ng trahedya?’’

“Hindi siya naniniwala roon, ‘Ma. Nagkataon lang daw ‘yun.’’

‘‘Natatakot ako Trev. Kasi baka hindi ko na kayanin kung mangyayari uli yun. Nagkaroon na yata ako ng phobia na mag-asawa pa. At saka di ba may edad na ako?’’

‘‘Bata ka pa ‘Ma. Sige na, tanggapin mo na si Papa. Ako ang nangangako na mabuti siyang tao. Wala kang pagsisisihan.’’

Gustong magtawa ni Thelma pero pinigil niya ang sarili. Talagang hindi na mapigilan si Trev sa pagkumbinsi sa kanya na tanggapin ang manunulat at propesor na si Trevor.

‘‘Bagay na bagay ka-yong dalawa, ‘Ma. Ikaw maganda, at si Sir Trevor este si Papa pala ay guwapo. Parehong walang pananagutan. Ano pa ang problema para hindi kayo magkatuluyan?’’

Korner na si Thelma. Suko na sa pangungumbinsi ni Trev. Talagang wala na siyang magagawa kundi sagutin si Trevor Buenviaje. Hindi na niya patatagalin gaya ng balak niya.

“Sige na nga, sasagutin ko na si Sir Trevor mo.’’

Hindi makapaniwala si Trev. Nakatingin sa ina. Nabigla.

‘‘O para kang nakakita ng multo.’’

‘‘Nasisiyahan lang ako ‘Ma. Sabi ko na’t mahal mo rin si Papa.’’

Lumapit si Trevor sa mag-ina. Nakangiti.

‘‘O halikan na. Paki-kiss mo na si Mama, Papa.’’

Hindi nag-aksaya ng panahon si Trevor. Hinalikan sa labi si Thelma.

Pumalakpak si Trev.

(Itutuloy)

Show comments