“PERO alam mo Thelma, napi-feel ko na gustung-gusto ako ni Trev para maging asawa mo. Kapag nag-uusap kami, masa-yang-masaya siya at may plano. Hindi na raw kailangang magtungo siya sa inuupahan kong bahay dahil magiging magkasama na kami. At siguro raw ay magiging maligaya ang buhay nating tatlo. Kasi raw, nakikita niyang magiging mabuti akong asawa para sa’yo. Ganun kapositibo ang isipan niya kaya gusto niyang magkagustuhan na tayo sa lalong madaling panahon.”
Napangiti si Thelma. Siya man ay ganundin ang na-darama sa anak.
“Ano kaya at huwag na nating pagtagalin. Ano kaya at ngayon din ay sabihin natin kay Trev na okey na tayo.”
“Ang bilis naman. Med-yo patagalin naman natin. Gawin mo muna ang mga sinabi ko para at least, makita niyang nasa ayos ang lahat.”
“Okey. Ikaw ang bahala.”
Nang sumunod na pumunta sa probinsiya si Tre vor kasama si Trev ay nagdaan sila sa tindahan ng bulaklak. Bumili ng isang pumpon ng roses si Trevor.
Nahulaan agad ni Trev kung para kanino iyon.
“Para kay Mama ‘yan ano?”
“Oo.”
“Matutuwa yun. Baka sagutin ka na Sir Trevor.”
“Bibili pa tayo ng chocolate. Gusto ko may mangyari na sa pag-uwi nating ito.”
“Sige ako ang bahala, Sir Trevor.”
“Ano kaya at Papa na ang itawag mo sa akin, Trev. Tutal naman at malakas ang kutob ko na gusto rin ako ng mama mo.”
“Aba sige. Mula nga-yon, Papa na ang itata-wag ko sa’yo.”
GULAT na gulat si Thelma nang iabot ni Trevor ang roses at chocolate. Mas nagulat siya nang marinig na papa na ang tawag ni Trev sa manunulat.
“Salamat, Trevor.”
“Sagutin mo na si Papa, Mama,” sabi ni Trev na yumakap sa ina. (Itutuloy)