Thelma (150)

“IKAW naman ang maligo Sir,” sabi ni Trev. “Ang sarap maligo. Iba talaga ang tubig dito sa probinsiya.”

“Kaya nga gustung-gusto ko na sumama rito sa inyo.”

“Gusto mo buwan-buwan ay narito tayo.”

“Aba sige. Kaya lang kakahiya dito sa Mama mo. Baka sabihin ay nawiwili ako.”

“Wala kang aalalahanin kay Mama, Sir Trevor. Pinaka-mabait at pinaka-maunawain yan sa lahat ng ina sa mundo.”

“Wala kasi kaming probinsiya. Yung mga magulang ko laki sa Maynila kaya wala man lang mapunta-han kung bakasyon. Naiinggit nga ako sa’yo Trev.”

“Mula ngayon Sir e may probinsiya ka na.”

“Gusto ko sana, marinig sa Mama mo na welcome ako rito. Kasi’y ikaw nang ikaw ang nagsasabi.”

Binalingan ni Trev si Thelma.

“Ma, sabihin mo nga kay Sir Trevor na welcome siya rito. Sige na.”

Hindi naman nagpakipot si Thelma.

“Oo. Welcome ka rito, Mr. Trevor. Welcome na welcome.”

“Salamat naman po.”

“O huwag mo nang pupuin ang Mama ko   at hindi pa naman gurang yan. Tingnan mo nga at ang ganda-ganda pa niyan,” sabi ni Trev at niyakap ang ina.

“Masyado ka nang sipsip Trev.”

“Basta lagi nang pupunta rito si Sir Trevor. Buwan-buwan e narito kami. Kaya maski hindi mo na ako dalawin sa Maynila. Kami na lamang ang pupunta rito.”

“Baka naman mas-yado kang mapagod at hindi ka na makapag-aral.”

“Kaya ko ‘Ma. Basta andiyan si Sir, walang problema.”

“Sige bahala kayong dalawa.”

SUMUNOD na buwan ay nasa probinsiya na naman ang dalawa. At may napapansin si Thelma kay Trev. La-ging may sinasabing maganda rito. Gaya minsan, habang nasa banyo si Trevor ay kinausap ni Trev ang ina.

“Wala pa palang asawa si Sir Tre-vor, ‘Ma. May naging nobya pero masakit pala ang nangyari. Pinatay pala ang nobya niya at mula noon, hindi na nagmahal. Kaya binatang-binata siya.”

May naisip naman si Thelma.

“Lahat nang lalaki ngayon ay sinasabing binata sila kahit may sabit na.”

“Si Sir Trevor ay certified na binata, Ma.”

Napangiti na lang si Thelma.

(Itutuloy)

Show comments