Thelma (148)
GULAT na gulat si Thelma nang biglang dumating ang anak na si Trev kasama si Trevor. Eto na yata ang sinasabi ni Trevor na si Trev pa ang kukumbin-si para magkalapit silang dalawa. Si Trev ang gagawa ng paraan para ma-buo sila at maging ganap na pamilya.
“Ma, isinama ko si Sir Trevor. Bakasyon na kasi. Wala naman siyang pupuntahang probinsiya kaya dito ko niyaya.”
Nabigla man, nakapag-isip na agad ng isasagot si Thelma sa anak.
“Kakahiya naman ang bahay natin. Ni hindi pa nga ako nakakapagwalis.”
Sumagot naman kaagad si Trevor. Halatang napag-isipan na rin ang sasabihin.
“Okey lang. Walang problema sa akin.”
“Sabi ko sa’yo Ma, walang problema kay Sir Trevor. Kahit saan ay puwede siya.”
“E di ikaw na ang maglinis ng kuwarto na tutulugan n’yo. Ilabas mo ang mga bagong unan at kumot sa cabinet mo. Palitan mo ng bedsheet ang kama.”
“Opo Ma,” sagot at niyaya si Trevor, “Halika ka na sa kuwarto Sir at magpalit ka ng damit.”
Umalis ang dalawa at naiwang nakangiti si Thelma. Bilib na talaga siya kay Trevor. Ngayon pa lamang ay nai-imagine na niya na si Trev mismo ang magi-ging tulay nila ni Trevor. Ito mismo ang hihiling na magkagustuhan sila. Kinikilig si Thelma. Napakagandang plano ang ginawang ito ni Trevor.
At mayroon din naman siyang naisip para hindi ma kahalata si Trev. Magpapakipot siya kunwari. Aa-yaw-ayaw muna siya. Hindi agad siya bibigay. Tingnan niya kung ano ang gaga-win ni Trevor Buenviaje sa ganoong sitwasyon.
Nang lumabas sina Tre-vor at Trev sa kuwarto ay nakabihis na ang mga ito at kapwa masayang-masaya, lalo si Trev na tila ayaw nang humiwalay kay Trevor.
“Ma, paborito pala ni Sir Trevor ang sinigang na isda. Puwede ba tayong magpaluto ng sariwang maya-maya o lapu-lapu?”
“Aba oo. Sige at sasabihin ko sa kusinera. Magpapabili ako ng sariwang maya-maya sa palengke.”
“Kasi Ma, etong si Sir Trevor ay lagi nang sa fastfood kumakain. Patikimin naman natin siya ng lutong bahay.”
“Sige. Akong bahala, Trev.”
Napangiti si Thelma nang tumalikod. Pati pagkain ni Trevor ay sinisiguro ni Trev na masarap. Grabe na talaga ang bonding ng dalawa. (Itutuloy)
- Latest
- Trending