Thelma (143)
“BASTA hindi ako nasisiyahan kaya ko naisipan iyon, Trevor. Pero mahal ko si Delmo…”
Nakatingin si Trevor. Naghahanap ng katotohanan sa sinabi ni Thelma. Kung mahal niya si Delmo, bakit paulit-ulit na nagpa-kita ng motibo. Ilang beses ipinasilip ang malulusog na suso.
“Pero bago mangyari iyon, may naramdaman ka na sa akin, Thelma. Kasi nga’y halata ko ang pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan mo. Kung wala kang pagnanasa, iingatan mo ang pagkababae at ilalaan lamang sa minamahal na lalaki.”
Hindi nakasagot si Thelma. Ano ang isasagot niya? Hindi niya alam kung bakit nagawang magpaki-ta ng motibo sa lalaking ito na noon lamang niya nakita. Pero mahal talaga niya si Delmo. Mabait si Delmo. Masikap. Malam-bing. Maunawain. Walang ibang iniisip kundi siya. Isa nga lang ang hinanap niya rito: kasiyahan sa pagtatalik. Hindi siya naliligayahan sa nangyayari sa kanilang pagtatalik. Basta wala siyang maramdamang kasiyahan o sarap.
“Basta hindi ako nasisiyahan, Trevor. Iyon lang ang masasabi ko. Huwag na nga nating pag-usapan iyon. Ang tagal nang nangyari iyon.”
“Okey hindi na. Naisip ko lang iyon kasi matagal ko ring tinanong sa isip ko. At ngayon ngang tayo rin palang dalawa ang magkakatuluyan ay minabuti kong malaman ang lahat.”
“Nahihiya ako baka akala mo. Ayaw ko nang alalahanin ‘yun, Trevor. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit nagawa kong puntahan ka sa kuwarto. Para bang may nakasanib sa akin.”
“Ganun nga ang pakiramdam ko sa’yo. Pero alam mo, nasiyahan ako. Sobra.”
Bahagyang napangiti si Thelma sa sinabi ni Trevor.
“Basta huwag mo nang ungkatin iyon Trevor. Kalimutan na iyon.”
“Oo. Hindi ko na uungkatin pa.”
Napasulyap sa wall clock si Trevor.
“Aalis na ako, Thelma. Baka wala na akong masakyang bus patungong Maynila.”
Hindi sumagot si Thelma. May iniisip.
“Thelma, aalis na ako. Gumagabi na.”
“Kumain ka muna ng hapunan dito. Para may kasalo ako. Magpapaluto ako ng paborito mo.”
“Baka nga wala akong masakyan, Thelma.”
Hindi sumagot si Thelma.
“Ano bang nangyayari sa’yo Thelma?”
“Sige umalis ka! Bakit ka pa nagpunta rito kung iiwanan mo uli ako?”
“Anong ibig mong sabihin, Thelma?”
Tumalikod si Thelma. Humakbang patungo sa silid nito. (Itutuloy)
- Latest
- Trending