Thelma (127)

“AALIS na ako, Thelma,” pa­ alam ni Trevor Buenviaje.

“Dito ka na kumain ng hapunan. Magpapaluto ako.”

“Huwag na.”

“Galit ka?”

“Hindi.”

“Kung hindi ka galit, dito ka kakain.”

“Sige.”

“Anong gusto mong ipa­luto ko?”

“Sinigang na salmon.”

“Yun lang?”

“Oo. Kakahiya naman sa’yo.”

“Huwag ka nang mahiya, Trevor.”

“Sige dagdahan mo ng ini-haw na baboy. Tapos garlic rice.”

“Okey sige. Diyan ka lang at tatawagin ko ang cook.”

Umalis si Thelma.

Muli namang pinasadahan ni Trevor ang retrato ng mag-inang Thelma at Trev. Mahal na mahal ni Thelma ang anak. Ayaw ni­tong masaktan kaya pati ang pagmamahalan nila ay ayaw ipaalam. Saka na lang daw. Kailan naman kaya iyon e nagkakaedad na sila. Hindi niya alam kung kailan nila ilalantad ang relasyon. Pero ipauubaya niya kay Thelma ang lahat. Maaari naman siyang maghintay kay Thelma. Basta ang mahalaga ay nagkakaunawaan na sila ni Thelma. Nagkakaintindihan na sila ni Thelma.

Maaga silang naghapunan ni Thelma. Espesyal ang hapunan. Napakasarap ng sinigang na salmon. Sinigang sa bunga ng hinog na sampaloc. Lumaki yata ang tiyan niya.

“Ngayon lang ako naka­tikim ng ganito kasarap na sinigang. Maaasim na manamis-namis.”

“Nabusog ka Trevor.”

“Oo. Superbusog.”

“Pareho kayo ng anak ko, mahilig din sa sinigang.”

“Talaga? Kasi siguro, pareho ang pangalan namin.”

Saka nag-isip si Thelma na bakit ba nasabi niya iyon. Baka mag-isip si Trevor ukol doon. Baka magkone-konekta. Kung ano ang hilig ng ama ay hilig din ng anak.

Matapos ang masarap na hapunan ay nagpaalam na si Trevor.

“Hihintayin ko kung kailan natin ilalantad ang lahat sa anak mo, Thelma. Kapag handa ka na, lalantad ako rito.” (Itutuloy)

Show comments