Thelma (121)
“SABI ko sa sarili, wala naman akong nagawang masama kaya siguro hindi mo na ako iiwasan o hindi tatanggapin dito sa bahay mo. Kasi gusto lang naman talaga kitang makita, Thelma. Matagal ko ngang pinag-isipan ang pagpunta rito, Thelma,” sabi ni Trevor Buenviaje.
“Nagulat nga ako nang makita ka sa Sampaloc. Hindi ko malaman ang gagawin.”
“Halata ko naman na nasa loob ka ng bahay. Madali kong nabasa na nagsisinungaling ang maid na nakausap ko. Halatang may nagdidikta sa kanya.”
Napabuntunghininga si Thelma. Matalino si Trevor. Nakuha ng anak na si Trevor ang talino nito. Ang pagi-ging manunulat ang hindi namana. Pagi-ging abogado ang gusto ni Trev.
“Gusto lang tala-gang makita, Thelma,” sabi ulit ni Trevor. Ilang beses na niyang sina-bi iyon.
“Bakit mo ako gustong makita?”
“Hindi ko maipaliwanag, Thelma. Basta iyon ang nararamdaman ko.”
“Kalimutan mo na sana ang nangyari sa atin, Trevor. Ako nalimutan ko na iyon.”
Si Trevor naman ang napabuntunghi-ninga. Malalim.
“Pinipilit ko ngang kalimutan pero hindi ko magawa, Thelma. Kahit minsan lamang iyon, lagi pa ring nasa isip ko. Kaya nga nang makita kita sa Quiapo, ginawa ko ang paraan para ka makausap. Para nga akong loko-loko nang sumunod sa iyo. Hinabol kita nang hinabol at baka ka mawala. Nang inabutan kita, ganun na lamang ang kasiyahan ko. Sabi ko hindi na kita pakakawalan. Hindi na kita hahayaang mawala.’’
Nakatingin si Thelma. Saan pupunta ang pagkikita nilang ito ni Trevor Buenviaje?
“Gusto kong dugtungan ang nangyari sa akin, Thelma. Siguro hindi pa naman huli ang lahat. Nakikiusap ako, Thelma…” sabi ni Trevor.
Hindi malaman ni Thelma ang isasagot.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending