^

True Confessions

Thelma (115)

- Ronnie M. Halos -

“HINDI mo ba ako tatanu-ngin Thelma kung ano naman ang nangyari sa akin sa buhay ko. Ma­ raming nangyari sa akin…”

Nakatingin lang si Thel­ma kay Trevor. Parang wala na siyang inte­res anuman ang nangyari kay Trevor. At isa pa ay ini­iwasan na nga niyang magkaroon ng kaugnayan dito. Ayaw niyang ma­ laman pa ni Trevor na nagkaroon ng bunga ang kanilang minsang pagtatalik.

“Nalaman ko ang nangyari sa iyo, dapat malaman mo rin ang nangyari sa akin. Gusto mong malaman, Thelma? O wala kang interes. Sabagay, bakit ka nga ba magkakainteres. Pero gusto ko lang ay ma-share itong buhay ko. Baka puwede mong pa-kinggan, Thelma. Puwede, Thelma?”

Tumango si Thelma. Wala namang masama kung malaman niya ang kasaysayan ni Trevor.

“Marami akong nakarelasyon, pero ang hindi ko malilimutan ay si Mam Mina. Talagang minahal ko si Mam Mina. Kaso ay hindi nagtagal ang aming relasyon dahil namatay siya. Pinatay ng asawa. Nahuli kasi niyang ginagahasa ng asawa ang anak nila. Pinagtanggol ni Mam Mina ang anak, sinaksak niya ang asawang adik pero naagaw nito ang patalim at sinaksak din siya. Kapwa sila namatay.

“Matagal ako bago nakarekober sa pangyayaring iyon. Hindi ko malaman kung saan ako magsisi-mula. Si Mam Mina lagi ang nasa isipan ko. Para bang wala nang ibang babae sa buhay ko. Napakabait kasi niya. Hinahanap-hanap ko ang masasaya naming pagsasama sa inuupahan kong kuwarto. Yung mga pagtatalik namin. Para bang hindi ako makawala sa mga nangyari sa amin. Ganun kasi ako masyadong dinidibdib ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung paano makakatakas sa mga nangyari sa amin ni Mam Mina.

“Hanggang sa isang araw, may dumating na babae sa inuupahan kong kuwarto. Kamukhang-kamukha ni Mam Mina….”

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

GANUN

HANGGANG

HINAHANAP

MAM MINA

NANGYARI

SI MAM MINA

THELMA

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with