Thelma (76)

HANDA na si Thelma sa anumang gagawing ng la-laking pinagkakautangan niya ng loob. Anuman ang ibibigay sa kanya ng lala-king ito ay tatanggapin niya. At siguro naman ay may maibibigay pa sa kanya sapagkat sa tingin niya ay mukhang may ilalaban pa o ibubuga pa. Hindi mag-aaksaya ng oras si Mang Caloy sa paninilip sa kanya kung hindi pa uubra ang pagkalalaki.

At alam na ni Thelma ang mga gagawin. Siya na ang magkukusang gumawa ng hakbang para mapukaw nang todo ang pagkalalaki ni Mang Caloy. Makakaya niya. Nasubukan na niya noong gabing magtalik sila ni Tre-vor Buenviaje. Napangiti nang lihim si Thelma nang maalala si Trevor. Nasaan na kaya ang manunulat na iyon? Ni hindi niya naitanong kung taga-saan. Maaaring sa namayapang asawang si Delmo nasabi kung taga-saan si Trevor. Pero ang keychain na naiwan ni Trevor ay nananatiling nasa kanya. Mai-ngat niyang itinatago ang keychain.

Nilapitan na niya si Mang Caloy. Kailangang maganap na ang dapat maganap. Siya man ay nasasabik na rin.

Hindi kumikilos si Mang Caloy sa pagkakatayo at nakatingin lamang sa makurbadang katawan ni Thelma. Parang nahipnotismo.

Ginawa na ni Thelma ang unang hakbang. Iyon ang maghahatid ng kur-yente kay Mang Caloy. Kapag napuno ng kuryente si Mang Caloy, tiyak na magiging masigla ito at sunUd-sunod na ang mga gagawin. Dadaloy na sa ugat ang mainit na dugo.

Hindi maipaliwanag ni Mang Caloy ang naranasan. Ito ang hinihintay niya. Ito ang pinapangarap niya. Noon ay madalas siyang mag-imagine na siya at si Thelma sa isang silid. Magkasama. Nagniniig. Hindi niya akalain na higit pa roon.

Sa pagkakatingin niya kay Thelma, cute na cute siya. Tila isang sanggol si Thelma na walang muwang at punumpuno ng ka­inosentihan habang nasa bibig ang magandang tsupon. Hindi siya nagkamali na si Thelma ang piliin sapagkat eksperto. Lahat ay maaari niyang ipagkaloob sa babaing ito.

(Itutuloy)

Show comments