Thelma (74)

“ALAM mo kung saan ga-ling ang ibinili ko sa bahay na ito, Thel?” Tanong ni Mang Caloy nang nasa loob na sila ng bakuran ng bagong bahay.

“Saan?”

“Sa kinita ng tindahan mula nang ikaw ay ma-      ging tindera. Suwerte ka sa akin, Thel. Kaya nang ialok sa akin ito, hindi ko na pinakawalan. Malakas din kasi ang kutob ko na tatanggapin mo ang pag-ibig ko at ikaw ang ititira ko rito. Tama nga ang kutob ko.”

Binuksan ni Mang Caloy ang pinto.

“Sige ikaw na ang unang pumasok dahil sa iyo naman ito.”

Hindi maipaliwanag ni Thelma ang nararamda- man sa oras na iyon. Masyado siyang nasorpresa.

Pumasok na siya. Si Mang Caloy at si Trev ay naiwan sa labas. Nalanghap ni Thelma ang pintura. Puti ang kulay ng salas. Malinis na malinis. Mayroon nang bagong sopa. May TV. May nakasabit na painting sa dingding. Maaliwalas na maaliwalas.

Lumakad si Thelma patungo sa kusina. Sa kusina ay light green ang kulay ng pintura. Malamig na malamig sa paningin. Nakita niya ang bagong gas stove, bagong ref, bagong mesang kainan at iba pang bagay sa kusina.

Tinungo niya ang banyo. Malaki ang sukat. Naka-separate ang liguan at toilet. Kulay krema ang kulay ng tiles.

Sunod na tinungo ang bedroom. Malaki ang kuwarto. Puti at light orange ang kulay ng dingding at kisame. Malaki ang bagong kama. Umupo siya sa kama. Napakalambot. Sinubukan niyang humiga. Ahhh, ang sarap. Ano pa ba ang hihi-lingin niya? Lahat ay ibinigay na sa kanya ni Caloy. Talagang mahal na mahal siya ni Caloy.

Lumabas siya ng silid. Nakita niya ang isang kuwarto sa gawing kaliwa. Tinungo niya. Puti at murang asul ang kulay ng pintura. Nakita niya na pang-isahan ang kama. May cabinet ng damit. Sa pinto ng cabinet ay may mga naka-print na superheroes —Spiderman, Batman, Superman at iba pa. Nahulaan niyang kay Trev ang kuwarto.

Hindi lamang siya ang mahal ni Caloy kundi pati si Trev. Naisip ni Thelma na hindi siya nagkamali sa pagpapakasal kay Caloy. Tama ang desisyon niya.

Mamayang gabi, siguradung-sigurado na siya sa mga gagawin. Ipagkakaloob niya ang lahat kay Caloy. Ang mga “kinababa­liwan” sa kanya ni Caloy ay ibibigay na niya nang walang katutol-tutol. Yung “sinisilip” sa kanya ni Caloy noon ay ipakikita niya nang todo. Ipalalasap niya kay Caloy ang sarap. (Itutuloy)

Show comments