Thelma (60)

“KAWAWA naman ang bata, Thelma. Naghahanap yan ng ama kaya huwag mo namang paghigpitan

   na sumama sa akin.”

“Anak ko yan Mang Ca­loy at alam ko ang aking ginagawa.”

“Kaunti namang luwag sa anak mo.”

“Huwag mo akong pa-kialaman, Mang Caloy.”

“Kaya naman gusto ko ring laruin si Trev ay dahil sa sabik ako sa anak na lalaki. Yun lang naman ang gusto ko Thelma.”

Nag-isip si Thelma. Wala palang lalaking anak. Ilan kaya ang anak ng ma­tanda?

Sa sinabi ni Mang Caloy ay medyo nagluwag si Thelma. Siguro nga ay nasasabik sa batang lalaki. Hayaan na nga lang niya. Pero ang iiwanan si Trev sa gabi ay hindi niya papayagan. Ayaw niyang mapalayo sa anak. Kaya lang naman niya nagawang iwan ang anak habang nagtatrabaho sa tindahan ay dahil nagtitiwala siya sa kanyang Ate Marie.

“Mama, binigyan ako ng pera ni Papa Caloy. Eto o nasa bulsa ko,” sabi ni Trev minsang pauwi na sila.

“Bakit ka binigyan?”

“Mahal daw niya ako. Bibigyan pa raw niya ako bukas.”

“Ano pang sabi sa ‘yo?”

“Yun daw tindahan, ibi-bigay sa iyo ni Papa Caloy.”

Nagtawa si Thelma.

“Bakit daw ibibigay sa akin?”

“Para raw dumami ang pera mo, Mama. Mahusay ka raw magtinda.”

“Ba’t daw niya ibibigay sa akin e hindi ko naman siya kaanu-ano. Tindera lang niya ako.”

“Hindi ko alam. Basta yun ang sabi.”

“Ano pa ang mga sinabi sa’yo?”

“Wala na.”

Marami pang magan-dang ipinakita si Mang Caloy kay Trev. Magkasundung-magkasundo ang dalawa. At sa tingin ni Thelma, tatay na ang turing niya kay Mang Caloy.

Pero meron pang ma-tinding ipinakita si Mang Caloy na nagpakumbinsi kay Thelma para matutuhang mahalin ang matanda. Iyon ay nang iligtas nito si Trev sa tiyak na kamatayan.

(Itutuloy)

Show comments