Thelma(36)

“ANO Thema, kasya?”

Tanong ni Mang Caloy nang lumabas sa banyo si Thelma.

“Kasya po.”

Naidasal ni Thelma na huwag sanang magbiro ang matanda na titingnan ang suot na panty para makatiyak kung kasya nga.

Sa halip ay iba ang sinabi nito.

“Kapag magsasampay ka ng panty sa banyo ay huwag sa may bintana. Ilayo mo.”

Tumango lang si Thelma. Hindi na naman siya magsasampay doon. At saka hindi na siya magpapakabasa sa ulan. Mayroon na siyang malaking leksiyon sa nangyari na maghapon na walang panty.

Naalala ni Thelma ang maraming panty na bigay ni Mang Caloy.

“Mang Caloy paano ang maraming panty na ito.”

“Di ba sabi ko sa’yo kanina e sa’yo na ang mga ‘yan. Pang-isang linggo mo nga ng suot.”

“Kakahiya naman.”

“Huwag ka nang mahiya. Okey lang yan. Basta huwag ka nang magsasampay sa banyo. O kaya ilayo mo sa may bintana. Marami nang kawatan dito. Siguro mga addict ang kumana.”

“Salamat po uli.”

“Sige. Walang anuman. Para lang yan. Kung nanakaw din nga ang bra mo, e bibigyan kita.’’

“Naku kakahiya na. Marami ka nang naibigay, Mang Caloy.”

“O ano naman yun. Wala namang masama kung bigyan kita dahil masipag ka naman at mapagkakatiwalaan. Basta napapakinabangan ko e mabait ako.”

Nasiyahan si Thelma sa sinabi ni Mang Caloy. Dahil doon ay nawala ang mga paghihinala ni Thelma kay Mang Caloy. Bakit nga ba niya paghihinalaan ang taong ito ay mabait naman.

Pero sa mga sumunod na araw, may napansin na namang kakaiba si Thel-ma. Talagang pakiramdam niya, may mga matang nakatutok sa kanya kapag nasa loob ng banyo at umi­ihi. Dama niya na may nag­nanasa sa kanya. (Itutuloy)

Show comments