^

True Confessions

Thelma (32)

- Ronnie M. Halos -

GINIGINAW na talaga siya dahil basa ang damit niya. Kinuha ni Thelma ang iniaabot na tuwalya at damit ni Mang Caloy.

“Bago ang tuwalya na ‘yan. Bigay yan ng ahente. Itong palda at blusa ay bago rin. Walang pants. Pagtiyagaan mo na muna.”

“Salamat Mang Caloy.”

“May sabon at shampoo naman diyan. Sige na magbuhos ka na at baka magkasakit ka. ‘Yung tatay ko sa pulmonya namatay.”

Nagmamadaling pumasok sa banyo si Thelma. Isinabit ang tuwalya, palda at blusa sa stainless na sabitan na nakakabit sa tiles.

Bago hinubad ang t-shirt ay nakiramdam muna siya. Wala naman siyang napapakiramdamang kakaiba.

Hinubad na niya ang t-shirt. Basa rin ang bra niya. Hinubad niya ang bra. Giginawin talaga siya kung hindi magpapalit. Magkakasakit nga siya gaya ng sinabi ni Mang Caloy.

Pagkatapos ay hinubad ang pantalon. Basang- basa ang pantalon. Hindi uubrang patuyuin sa kata­wan. Magkakasakit siya.

Pati ang panty niya ay basa rin.

Hinubad na rin niya ang panty. Hubu’t hubad na siya. Ngayon lang siya naligo sa ibang banyo.

Nagbuhos na siya. Malamig ang tubig. Di­nam­pot niya ang sabon na nakapatong sa tangke ng inidoro. Sinabon ang mukha, braso, tiyan, suso at bahagi ng likod. Pagkatapos ay ang puwit, hita, binti at ang mga paa. Saka nagbanlaw. Ilang beses nagbanlaw. Hindi na siya nag-shampoo. Kasa-shampoo lang niya kanina.

Nang inaakalang malinis na malinis na ang katawan ay kinuha ang tuwalyang nakasabit. Pinunasan ang buhok. Pagkatapos ay ang katawan. Nang matuyo ay akma nang magbibihis. Pero naalala. Wala nga palang panty! Wala rin siyang bra. Hindi naman ubrang isuot ang panty at bra dahil basa. Kung patutuyuin ay mamaya pa siya magba-bra at mag-pa-panty.

Wala nang mapagpipilian kundi magbihis ng palda at blusa. Iyon lang ang paraan. Hindi naman mahahalata na wala siyang panty dahil dark colored ang palda. Makapal din naman ang blusa kaya hindi halatang wala siyang bra.

Patutuyuin na lang niya ang kanyang panty at bra.

Nang makapagbihis ay saka siya lumabas ng banyo. Dahan-dahan siya. Sinilip si Mang Caloy sa opisina nito. Wala ang matanda! Nasaan kaya?

(Itutuloy)

vuukle comment

BRA

HINUBAD

MAGKAKASAKIT

MANG CALOY

NANG

NIYA

PAGKATAPOS

PANTY

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with