^

True Confessions

Takaw (Wakas)

- Ronnie M. Halos -

ANG babaing ma­nager ng isang publishing company ang tumawag.

“Ibinigay sa akin ni Mam Mina ang number mo Mr. Trevor. Kami ang magpi-print ng koleksiyon mo ng story. Ipinagbilin ni Mam na kapag tapos na ang kuwento mo, iimprenta agad ito. Tumawag daw dito si Mam at sinabing tapos na raw ang kuwento mo. Tapos na nga po ba, Mr. Trevor…”

“Opo Mam tapos na. Nasa final printing na ako. Kinu-korek ko na lang ang mga typo error.”

“Good. Kung may nakahanda ka ng cover at mga illustration, puwede mo nang dalhin sa aming opisina para masimulan ang printing. Kabilin-bilinan ni Mam Mina na unahin ang project mo. Madali lang pong iimprenta yan kasi modern na ang aming facilities. Alam po ni Mam Mina kasi dati namin siyang customer.”

Masaya na si Trevor.

“Sige po. Dadalhin ko tomorrow. May naka-ready na akong cover,” sabi niya.

“Okey po Mr. Trevor. Yun lang. Salamat.”

Nagtataka si Trevor. Paano nakatawag si Mam Mina gayung mahigit isang buwan na itong patay. Binilang ni Trevor araw mula nang mamatay si Mam Mina --- 40 days!

Napausal siya ng dalangin para sa kalu­luwa ni Mam Mina. Kahit nasa kabilang buhay na ay tinutulungan pa siya! Ang pinangakong pagtulong sa pagla­lathala ng “TAKAW” collections ay tinupad.

Tama ang sinabi ng babaing manedyer ng publishing house na madali lang iimprenta ang mga libro. Limang araw lang ay idiniliber na sa kanya ang mga kopya ng libro. Siya na ang bahalang mag-alok niyon sa bookstore.

Tila sinusuwerte si Trevor sapagkat nang ipabasa niya sa may-ari ng bookstore ang kanyang libro ay nagustuhan. Kinabukasan, nakadispley na ang libro ni Trevor sa bookstore. Marami agad ang nakagusto at bumili.

Sumunod na linggo, humingi pa ng mga kopya ang bookstore. Nag-hit ang unang libro ni Trevor.

Isang araw, du­malaw si Trevor sa libingan ni Mam Mina. May dala siyang libro­. Iyon ang regalo niya. Hindi niya akalain na aabutan doon ang anak ni Mam Mina. Kamukhang-kamuk­ha pala ni Mam Mina ang anak. Pati pag­ngiti ay inang-ina. Parang na­kita niya rito ang kabuuan ng namayapang babae.

ALAM

BINILANG

DADALHIN

MAM

MAM MINA

MINA

MR. TREVOR

OPO MAM

SHY

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with