^

True Confessions

Takaw(121)

- Ronnie M. Halos -

“HINDI ko na gus-tong malaman pa kung saan galing si Mama ng umagang iyon. Pero malakas ang kutob ko na galing siya sa isang taong nagtiwala sa kanya at nagmahal nang labis. Nang umagang hindi ko siya dinatnan dito sa bahay, hindi ako nagtanong o hindi nagalit sa kanya. Basta ang alam ko, wala akong karapatang magalit sa kan­ya. Alam ni Mama ang makabubuti sa kan­ya. At alam ko rin na mahal na mahal niya ako kaya siya nagmamadali ng umagang iyon. Gusto marahil niya akong unahang makarating dito sa bahay. Baka nga mayroon na siyang pangitain nang mangyayari.

‘‘Malaki ang aking kutob na ikaw ang lalaking nagtiwala at nagmahal nang labis sa aking mommy. Nararamdaman ko na ikaw yun. Kung ikaw nga ‘yun, salamat nang marami sa pagmamahal na iniukol mo sa kanya. Kahit sa mga huling araw niya rito sa mundo ay napaligaya mo siya. Malaki ang nagawa mo sa aking mommy.

“Sigurado ako na hindi ka dumalaw sa burol ni Mommy. Hula ko lang ayaw mong makita ang kabuuan ni Mommy habang nasa loob ng kabaong. Gusto mong ang maalala ay ang mga magagandang alaala lamang niya habang kayo ay magkasama. Ang gusto mong manatili sa alaala ay ang maganda niyang mukha na laging nakatawa kahit may dinadalang problema.

‘‘Kung may panahon ka, maaari mong dalawin ang kanyang libingan. Sa Manila Memorial Park siya nakalibing. Ipagtanong mo na lang sa security doon. Siguro naman hindi makababawas sa magandang alaala kung dadalawin mo siya. Malay mo, baka hinihintay din niya ang pagdalaw mo.

“Sige, Trevor, ma­ raming salamat sa mga nagawa mo para sa mommy ko.’’

Ibinaba na nito ang phone.

Napabuntunghi­ninga si Trevor at saka pumikit. Nakita niya ang magandang anyo ni Mam Mina. Nakatawa ito. Maligayang-maligaya. Wala nang problema.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

IBINABA

IPAGTANONG

ITUTULOY

KAHIT

MALAKI

MALIGAYANG

MAM MINA

SA MANILA MEMORIAL PARK

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with