Takaw (118)
NASA harapan na si Tre-vor ng pintong salamin ng sikat na punerarya. Pero sa huling sandali, nagbago ang pasya niya na makita ang babaing minahal. Pinigil niya ang sarili.
Tumalikod siya at lumabas na sa punerarya. Naisip niya, gusto niyang mapanatili ang magandang alaala ni Mam Mina. Ang lahat nang maganda lamang ang maiisip niya ukol sa babae. Kung makikita niya ang mukha nito sa loob ng kabaong, maaaring iyon na ang tumatak sa kanyang isipan at hindi na mababago kahit kailan. Ayaw niyang makita na nakapikit si Mam Mina.
Gusto niya, ang mukha nitong nakatawa ang manatili sa kanyang gunita. Iyon na lamang ang kanyang aalagaan kahit kailan.
Lumipas ang isang buwan.
Biglang nag-ring ang telepono ni Trevor. Sinagot niya. Babae. Nagtatamong kung iyon ang number ni Trevor.
“Eto nga. Who’s on the line please.”
“Daughter po ito ni Mi-na,” marahang sabi ng babae. Halatang mabait at may pinag-aralan.
Hindi naman agad nakapagsalita si Trevor. Ano ba ang sasabihin niya sa pagkakataong ito? Natuklasan na kaya nito ang “lihim” nila ni Mam Mina?
“Ano ang maitutulong ko?” Tanging naitanong ni Trevor.
“Wala naman. Nakita ko ang name mo sa phone ni Mommy. Siguro isa ka sa mga matalik na kaibigan dahil nang makita ko ang phone sa bag niya ang name mo ang nakadisplay. Maaaring bago maganap ang insidente ay kinokon-tak ka niya…’’
Si Trevor ay hindi humihinga habang nakikinig sa anak ni Mina. Posibleng kokontakin siya ni Mam Mina ng umagang iyon at hindi na natuloy dahil nga sa naratnan sa bahay.
“Napakabait ng mommy ko. Sure ako alam mo na mabait siya. Walang makakatulad ang mommy ko kaya napakasakit ng nangyari. Ginawa niya ang lahat para ako mailigtas sa hayup kong ama. Noon pa naman alam kong may nangyayari nang hindi maganda sa mga magulang ko. Itinatago lang ni Mommy pero nararamdaman ko, may kakaibang nangyayari sa kanila.
‘‘Ayaw lamang ni Mommy na masaktan ako at mag-isip dahil sa problema. Gusto niya maitago pero alam ko ang lahat. Mala-kas ang pakiramdam ko. At alam ko rin na sa kabila na nasasaktan na siya sa ginagawa ng aking hayop na ama, sinisikap pa rin niyang mabuo ang nawasak. Ako ang lagi niyang inaalalala. Walang ibang iniisip kundi ang kalagayan ko…” (Itutuloy)
- Latest
- Trending