^

True Confessions

Takaw (117)

- Ronnie M. Halos -

NAG-EXPIRED na raw ang babaing itinatanong ko. Nasa ICU raw iyon ng 24-oras pero hindi na nga tumagal. Idineklara na raw patay ilang oras ang nakararaan.

Parang may sumampal sa magkabilang pisngi ni Trevor. Kanina ay kakaiba ang nararamdaman niya. Hindi kaya ng mga sanda-ling iyon ay nag-aagaw-buhay si Mam Mina? Nagparamdam sa kanya.

Hindi na siya nakapagpasalamat sa nurse. Tumalikod na siya. Marahan na marahan ang paglalakad niya. Hindi niya alam ang gagawin kung paano masisisilayan man lamang ang babaing nagkaroon ng bahagi sa kanyang buhay. Paano ang gagawin niya?

Naglakad siya nang nag­lakad hanggang sa makalabas ng compound ng ospital. Hindi niya malaman ang gagawin. Uuwi na ba siya o ha­hanapin kung saang pu­ nerarya ilalagak ang kata-wan ni Mam Mina.

Sa dakong huli, naisip niyang umuwi. Saka na lang niya hahanapin kung saan nakaburol si Mam Mina. Ka­ilangan muna niyang ma­kapagpahinga. Matindi ang idinulot sa kanya ng mga pangyayari. Sa isang iglap nawala ang babaing kauna-unahang nakinig sa kanya at nagpasaya sa kanya. Naitanong niya kung bakit napakadaling nawala ang taong mahalaga sa kanya.

Hindi niya alam kung pa-ano nakauwi. Ni hindi niya nalaman kung paano siya nakakuha ng taxi at nagpahatid sa bahay.

Magdamag siyang hindi nakatulog. Nakahiga siya pero dilat ang mga mata.

Kinabukasan, naisip niyang magpunta sa mga kila-lang punerarya. Maaaring nakalagak na roon ang katawan ni Mam Mina at maari nang dalawin.

Sa isang sikat na pune-rarya siya nagtungo. Karaniwang doon ibinuburol ang mga maykaya sa buhay.

Hindi nagkamali si Tre-vor. Doon nga nakalagak si Mam Mina. Sigurado siya sapagkat nasa direktoryo na ng punerarya ang pangalan nito. Talagang wala na nga si Mam Mina. Wala na ang babaing minahal niya.

(Itutuloy)

IDINEKLARA

ITUTULOY

KANINA

KARANIWANG

KINABUKASAN

KUNG

MAM MINA

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with