Takaw (71)
“HELLO?” Sagot ni Tre-vor.
Babae ang sumagot sa kabilang linya. Si Mam Mina!
Bakas sa boses ni Trevor ang katuwaan.
“Mam, kakahiya ikaw pa ang’’ tumawag,” sabi agad niya.
“Okey lang, Trevor. Di ba sabi ko nga sa’yo para hindi ka mailang e ako na ang tatawag.”
“Okey lang talaga sa’yo Mam.”
“Oo naman. Tumatanaw ako ng utang na loob. Malaking bagay sa akin kapag may taong nabigyan ako ng pabor o natulungan ako. Hindi ko nalilimutan kahit kailan.”
“Salamat naman Mam at talaga palang pinahahalagahan mo ang nagawa ko.”
“Isa yan sa mga sinusunod kong panuntunan sa buhay, Trevor. Tumatanaw ako ng utang na loob.”
“Mabuti po Mam at mayron kang libreng oras para makipagkuwentu- han sa akin.”
“Mamaya pa naman ang alis ko.”
“Nag-oopis ka Mam.”
“Dati. Ngayon ay consultant na lamang ako sa isang firm. Dati rin akong nagtuturo sa isang unibersidad.”
Sunod sanang itatanong ni Trevor ay kung may asawa ito at anak pero pinigilan niya ang sarili. Hinayaan niya itong magkuwento. Mas maganda kung galing mismo sa bibig nito ang istorya.
“Ano Trevor, may naisip ka na bang dagdag sa collection mo?”
“Wala pa nga Mam. Nag tataka ako ngayon kung bakit wala akong masagap na kuwento.”
“Nag-try ka na sa Internet bakasakali.”
“Nag-try na Mam pero wala akong magustuhan sa mga news item na nakuha ko sa Archives.”
“E teka bakit nga ba ga-ling ka sa Batangas? Nung nagkasabay tayo sa bus. May kaugnayan ba roon kaya ka nagtungo roon.”
“Oo Mam. Yung story na iyon ay nabasa ko sa Archives ng tabloid.”
“Anong story?”
Sinabi ni Trevor ang buong story.
“Grabe pala yung krimen na pinagkunan mo ng kuwento.’’
“Medyo maselan Mam ang mga tagpo kaya baka ang ibang scene ay idelete ko. Meron din kasing matitinding pagtatalik. Iniisip ko, baka bawal.”
“O bakit naman agad e ise-censore mo ang sarili mo. Hayaan mo, kung ano yung bumubukal sa isip mo, iyon ang isulat mo. Palagay ko, kapag ganon ang ginawa mo, maraming bibili ng mga akda mo…baka sumikat ka nang todo, Trevor…”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending