^

True Confessions

Takaw (66)

- Ronnie M. Halos -

KINABUKASAN ay wala pa ring maisip na maisusulat si Trevor para sa koleksiyon. Kung puwede lamang na imbentuhin ang kuwento, baka nakagawa na siya at nakumpleto na ang koleksiyon. Pero ayaw niya ng ganoon. Gusto niya ay mga totoong kuwento ng “magkakalaguyo” ang nasa koleksiyon. Paghihirapan niya ang paghahanap ng mga kuwentong totoo para naman madama niya. Mas nararamdaman ng babasa kung tunay na pangyayari ang naganap. Hindi siya gagawa ng kathang isip lang. Iyon ang magi-ging kaibahan niya sa mga creative writers. At siguro naman kapag natapos na niya ang koleksiyon ng kuwento ay baka dito magsimula ang pananagumpay niya. Baka sumikat na siya. Ha-ha-ha. Ang isang baguhang writer na nagngangalang Trevor Buenviaje ay may isang aklat na tumatalakay sa “katakawan sa laman’’. Kakaiba sa lahat ng mga nakalat­hala na nasusulat sa sariling wika. Mababa-sa tiyak ng mga kaibigan at kaklase niya sa U.P.

Pero nang magbalik sa katinuan si Trevor ay naisip niyang saan siya kukuha ng susunod na kuwento para magkaroon ng katuparan ang koleksiyon.

Muli, naisipan na naman niyang idayal ang numero ni Mam Mina, ang babaing nakasabay niya sa bus. Bahala na.

Nag-ring ang telepono. Dalawang ring bago may dumampot. “Hello!” Narinig niya sa kabilamg linya. Babae.

“Hello, good morning, Mam Mina please.”

“Speaking. Who’s this please?”

Nabuhayan ng loob si Trevor

“Mam Mina, si Tre-vor po. Yung nakasakay mo sa bus the other day, remember?”

Narinig ni Trevor ang mahinang pagtawa ni Mam Mina.

“Of course naman. Paano naman kita ma­kakalimutan e ikaw ang may nagbarya sa P500 ko na binili ng panutsa at kalamay at saka iniagaw mo ako ng upuan sa bus. Napa-kalupit ko naman kung basta kita malilimutan…

Si Trevor naman ang nagtawa nang marahan. May kiliti sa kanya ang mga sinabi ni Mam Mina. Hindi pala nalilimutan ang ginawa niyang maliliit na bagay.

“O e tapos na ba ang koleksiyon mo ng short stories at tinawagan mo ako? Tatawagan ko na ba ang aking pub­ lisher friend para ma-imprenta na ‘yan?”

“Naku hindi pa Mam.”

“So ano ang nagtulak sa’yo para ako tawagan, Trevor?”

Napalunok ng laway si Trevor. Ano nga ba ang dahilan at tumawag siya kay Mam Mina?

(Itutuloy)

MAM

MAM MINA

NAMAN

NARINIG

NIYA

PERO

SI TREVOR

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with