Takaw (57)

“GIGIL na gigil na talaga ako kay Lolit dahil siya ang nagturo ng kamunduhan sa aking pamangkin na si Alex. Kabata-bata pa ay tinikman na ni Lolit. Nang gabi ring iyon ay buo na ang pasya ko na kausapin na si Dionisio para ipaalam ang natuklasan kong pagdadale ng dalawa. Talagang gusto ko nang maputol ang masamang ginagawa ng da-lawa. Sus talaga namang hindi ako nakakain noon dahil sa nakita kong gina­gawa ng dalawa. Akala mo mga aso. At alam ko, si Lolit lahat ang nagturo para ganun ang gawin sa kanya. Tinuruan si Alex ng kung anu-anong posisyon sa pakikipag-anuhan…

“Kinagabihan, dakong alas siyete ay nagtungo ako kina Dionisio.Tala­gang wala nang makakapigil sa akin. Sasabihin ko na ang mga nakita ko. Pero sinusuwerte yata ang mga taksil sapagkat nang tanungin ko kung nasaan si Dionisio ay tulog na raw at lasing. Ang malibog na si Lolit ang nagsabi. La-sing na raw nang dumating mula sa kaingin at agad na ibinagsak ang katawan sa higaan.

“Umuwi akong hindi ma­­ palagay. Hindi na naman na­tupad ang balak ko. Maa­a­ ring habang tulog si Dio­nisio ay nagpapandale uli sina Lolit at Alex. Mga sanay na kaya kahit na naroon pa si Dionisio ay nakukuhang magdale. At tiyak ko, si Lolit lagi ang nagyayaya na    mag-anuhan sila.

“Kinabukasan ng umaga, mga alas siyete ay nagtungo uli ako kina Dionisio para maipagtapat na ang kataksilan. Pero, hindi ko na inabot. Maaga raw umalis patungong kaingin, sabi ni Lolit. Nakadungaw si Lolit sa bintana at halatang bagong paligo dahil basa pa ang buhok. Nakasando lang ito at halatang walang bra. Sa tingin ko lalong lumaki ang suso ng malanding babae.

“Hinayang na hinayang ako dahil hindi na naman nalaman ni Dionisio ang nangyayari sa kanyang pamamahay. Wala siyang kamalay-malay na ang kanyang asawang si Lolit ay nakikipagtalik sa anak niyang si Alex. At palagay ko, kaya bagong paligo si Lolit nang umagang iyon ay baka mayroon na naman silang gagawin ni Alex. Siguro ay araw-araw silang “maglaro ng apoy”. Walang kasawa-sawa sa pagtatalik ang dalawa. Matatakaw. Lalo pa si Lolit na palagay ko ay walang pagkaumay sa laman.

“Nang mag-alas nuwebe ng umaga, noon ay Enero 24, 1986, nakarinig ako nang ingay sa di-kalayuan ng aking bahay. May mga sumisigaw. May nagpapanakbuhan. Ay Diyos ko at bakit bigla akong kinuribdiban.

“Hanggang sa may isang binatilyo na biglang dumating sa bahay at pan­dalas ang tawag sa akin. Tinanong ko kung bakit. Ano ang nangyari at tila may nagkakagulo. Ang sagot sa akin ng binatilyo ay: “Si Lolo Dionisio po Lola Imang, nakapatay yata. Hawak ang kanyang itak. Maraming dugo. Naroon po siya at nakaupo sa bay­tang ng hagdan ng kanyang bahay!” (Itutuloy)

Show comments