Takaw(53)
“TINAWAG ko si Lolit. Dalawang beses kong tinawag. Tinanong ko kung siya ba ang nasa loob. Pero walang sagot. Pawang ang kaluskos at bagsak ng tubig sa timba ang naririnig ko. Pero kahit na nangingibabaw ang bagsak ng tubig sa tim-ba, naririnig ko pa rin ang kaluskos at may naririnig akong hingasing. Aywan ko ba kung anong klaseng hingasing yun.
“Sa ikalawa kong tawag, noon sumagot si Lolit. Siya raw ang nasa loob at naliligo. Ano raw ang kaila-ngan ko? Matagal pa raw siyang maliligo dahil kapapasok lamang niya. Sabi ko’y hihiram lamang ako uli ng yadyaran at gagawa ako ng atsarang papaya. Nang sumagot, sabi ay kunin ko na lang daw sa kusina.
“Tinanong ko kung nasaan si Alex. Ang tagal bago sumagot at napansin ko, itinodo ang bukas sa gripo. Saka lamang sumagot si Lolit at ang sabi ay nasa kaingin daw si Alex. Umalis daw kanina. Naisip ko, himala ang nangyari kung totoo ngang nasa kaingin si Alex. Baka napilit ng amang si Dionisio na tulungan siyang magtanim sa kaingin.
“Sinabi ko na kukunin ko na lamang ang yadyaran sa kusina. Pero hindi na sumagot si Lolit. Nakatodo pa rin ang bukas ng tubig. Umalis na ako at kinuha ang yadyaran sa kusina.
“Habang naglala-kad ako pauwi sa bahay ay iniisip ko ang sinabi ni Lolit na nasa kaingin daw si Alex. Maaga raw umalis.
“Ilang araw ang lumipas. Isang hapon na galing ako sa pamimitas ng balatong sa maliit kong kabahaging lupa nang makita si Dionisio na galing naman sa kaingin. Pauwi na rin si Dionisio. Mukhang pa god na pagod. Nangingintab ang mukha na parang litson. Pawisan.
Sabi ko ay mabuti naman at tinutulungan na siya ni Alex sa mga gawain sa kaingin.
“Napamaang si Dionisio na tila hindi alam ang aking sinasabi. Sinabi ko na nang manghiram ako ng yadyaran, e sinabi ni Lolit na nasa kaingin daw si Alex. Maaga raw umalis.
“At nagulat ako nang sabihin ni Dionisio na hindi naman umaalis ng bahay si Alex. Hindi raw ito tumutulong sa kanya sa kaingin. Aba e saan kaya nagpunta? Si Dionisio ang nagsabi na baka nasa barkada nito sa kabilang barangay. Marami raw kabarkada si Alex. Mga katulad din daw nito na hindi nakatapos ng high school. Gabi na raw kung umuwi si Alex.
“Naisip ko naman, siguro nga ay nasa barkada si Alex at ang paalam kay Lolit ay pupunta sa kaingin. Hanggang sa maisip muli niya ang mga kaluskos at hingasing sa banyo na narinig niya.
“May itatanong pa sana ako kay Dioni-sio ukol kay Lolit pero nagmamadali na ito sa paglalakad pauwi. Itatanong ko sana kung saan nga ba niya nakuha si Lolit…”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending