^

True Confessions

Takaw (50)

- Ronnie M. Halos -

“NAISIP ko baka kaya hindi sumasagot si Alex nang ako ay tumatawag ay dahil sa mayroon siyang pinanonood sa bintana at hindi kaya si Lolit iyon…” patuloy na pagkukuwento ni Lola Imang at wala namang kakibu-kibo si Trevor. Nasasabik siya sa ikinukuwento ng matanda. Halatang sa pagsasalita ng matanda ay totoo lahat ang sinasabi at walang imbento. Ganito ang gustong mainterbyu ni Trevor dahil bigay na bigay sa pagkukuwento at kumpleto ang detalye.

“Hindi ko na pinuna pa si Alex sapagkat baka sa-bihin ay masyado akong ma­u­sisa. Baka sabihan pa akong pakilamera ay masampilong ko lamang. Kasi ang tingin ko kay Alex ay tiga­sin ang ulo. Hindi katu-lad ng kapatid na si Anto.

“E di umalis na ako dala ang yadyaran ng balinhoy. Habang naglalakad ay naiisip ko naman na napakaburara naman ni Lolit at naliligo na walang takip ang banyo. At hubung-hubo pa. Ang laki pa naman ng suso. Hindi man lamang nagpanty kung maligo e alam nang sira-sira ang banyo.

“Hindi mawala sa isip ko na baka nga sinisilipan ni Alex si Lolit kaya nasa may bintana at nang makita ako ay tila natuliro. Siguro nga’y nakasilip at pinanonood ang hubo na si Lolit. Binata na si Alex at maaari nang makabuntis. Baka akala ni Lolit ay bata pa si Alex.

“Nang magkita kami ni Dionisio ay nabanggit ko ang tungkol sa banyo na walang takip ang pinto. Sabi ko ay bakit hindi niya lagyan e kapag may naliligo ay kita ang nasa loob. Ang sagot ba naman ni Dionisio sa akin ay wala siyang panahon para lagyan ng pinto ang banyo. Saka na lang daw at saka wala rin naman daw naninilip.

“Hindi na ako nagpumilit pa sapagkat baka barahin lang ako ni Dionisio. Kahit magkapatid kami ay hindi ko rin gaanong mapagsabihan. Hayaan ko na lang, sila naman ang apektado at hindi ako.

“Pero nang isauli ko ang yadyaran ng balinghoy, makalipas ang tatlong araw ay mayroon na naman akong napansin. Ay naku bakit ba natitiyempuhan ko ang ganoong sitwasyon? Si Alex naman ang naliligo nang magtungo ako pero alam mo ba kung ano ang nabisto ko, itong si Lolit naman ang nakasilip sa may bintana. Ay Diyos ko, ano ba ang nangyayari sa bahay ni Dionisio. Sa isip ko, nagdala yata ng salot si Dionisio sa bahay at ito’t “may kakatihan” yata ang babaing iniuwi. At alam mo pa ang nakita ko, habang nakasilip si Lolit, yung isang kamay niya ay nakapasok pa sa short na suot niya. Hindi ko na sana isasauli ang yadyaran dahil ako nahihiya sa nakita kong kalaswaan ni Lolit. Pero napansin ang pag-akyat ko. Biglang inalis ang kamay na nakadukot at nagkunwaring may tini-tingnan sa malayo….”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALEX

AY DIYOS

DIONISIO

LOLA IMANG

LOLIT

NAMAN

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with