^

True Confessions

Takaw(49)

- Ronnie M. Halos -

NASASABIK na si Trevor Buenviaje sa mga nangyari kay Dionisio. Nakikita na niya kung paano pero gusto pa rin niyang sa bibig ni Lola Imang manggaling ang buong pangyayari. Pero sa isip ni Trevor, mas matindi ang nangyaring ito kaysa sa ibang kuwento ng “magkalaguyo” na kanya nang nahalungkat. Paano’y ang kasangkot dito ay ang anak mismo ni Dionisio at ang batambatang kinakasama na si Lolit.

“Alam mo Trevor, minsan ay nagtungo ako kina Dionisio. Malapit lang ang kanilang bahay dito. Si Dionisio ay wala sa bahay at    nasa kaingin marahil.

“Tawag ako nang tawag pero walang sumasagot. Ang ginawa ko ay sa likod ako nagdaan. Kasi ang mga bahay naman dito ay walang bakod kaya lusut-lusutan. Puwedeng dumaan sa kusina. Sa likod bahay ay mayroong banyo na gawa lamang sa kawayan. Hanggang sa may narinig akong nagbubuhos. Ang banyo ay walang pinto kaya makikita ang naliligo.

“Nakita ko na naliligo si Lolit. Diyos ko at hubo’t hubad na naliligo. Ang laki ng suso! Makinis naman ang balat.

“Tumawag ako kay Lolit at saka ako napansin. Ang tawag sa akin ni Lolit ay Ate Imang. Ano raw ang sadya ko. Sabi ko naman ay manghihiram ako ng yadyaran ng balinghoy. Kunin ko na lang daw sa itaas.

“Nagtungo ako sa itaas. Pagdating ko sa itaas, nagulat ako sapagkat naroon si Alex na anak ni Dionisio. Nasa may tapat ng bintana. Nagulat si Alex sa pag-ak-yat ko. Para bang natuliro. Ano raw ang kailangan ko. Sinabi ko na hihiram ako ng yadyaran. Iniabot sa akin. Tinanong ko kung ano ang ginagawa niya. Wala raw. Pero parang balais-is ang kilos niya.

“Nagpaalam na ako kay Alex. Pero kung bakit naisipan kong sumilip sa bintana. Yung bintana pala ay katapat ng banyong kawayan kung saan naliligo si Lolit…”

(Itutuloy)

AKO

ALEX

ANO

ATE IMANG

DIONISIO

LOLA IMANG

LOLIT

PERO

SI DIONISIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with