Takaw (43)

NAGIMBAL si Trevor Buen­viaje nang mabasa ang follow-up story ng krimen na nangyari sa isang maliit na bayan sa Bata-ngas. Ang napatay pala ng matanda na kalaguyo ng kanyang batambatang asawa ay sariling anak. Doon na natapos ang ba-lita sa madugong krimen.

Binuklat pa ni Trevor ang mga sumunod na isyu. Nang buklatin ang Enero 28, 1986, nabasa niya na nag­ pakamatay ang matanda habang nasa kulungan sa munisipyo. Nagsaksak diumano. Hindi na dinitalye kung paano nagkaroon ng balisong na ginamit. Ayon sa report, natagpuan na lamang ang matanda na nakabulagta ay may saksak sa sikmura. Hindi na nadala sa ospital dahil ilang oras na palang patay.

Wala nang sumunod pang follow-up sa istorya. Tapos na ang malagim na krimen. Sarado na rin ma-rahil ang kaso.

Malalim ang iniisip ni Trevor. Meron pa kayang maaaring mainterbyu sa pangyayaring iyon. Kung sa istasyon ng pulis siya pupunta, tiyak na wala nang blotter dahil 25 taon na ang nakalilipas. Maaaring wala na ang mga pulis na nag-imbestiga sa krimen. Tiyak na nalimutan na ang pangyayaring iyon.

Pero siguro naman may mga makakausap pa siyang kaibigan, kamag-anak at kapitbahay ng matandang nagpakamatay.

Isinerox ni Trevor ang istorya. Pupuntahan niya ang lugar sa Batangas.

Pero ang problema ay kung paano niya makikita ang lugar. Mukhang liblib na lugar ang barangay na pinangyarihan.

Hanggang sa maalala niya ang isang dating ka-klase sa UP na umano’y may kamag-anak sa Batangas. Magtatanong siya rito at ba-ka alam ng kamag-anak ang lugar na iyon sa Batangas. Hinanap niya ang cell phone number ng kaklase. Naida-sal niyang sana ay hindi pa nagpapalit ng number.

Dinayal niya ang numero ng kaklase. Nag-ring. May sumagot. Lalaki. Ang ka-klase niya. Gulat na gulat ito sa pagtawag niya.

“May problema ako Tisoy, baka puwede mo akong matulungan.”

“Tungkol saan. Huwag lang sa pera ha?”

“Hindi sa pera. Alam ko namang wala kang pera.”

Sinabi ni Trevor.

“Itatanong ko kay Tito kung saan ‘yan. Tawagan kita mamaya.”

“Salamat, Tisoy.”

“Ba’t ka naman pupunta roon?”

“May susulatin ako Tisoy. May koleksiyon ako ng kuwento na tinatapos. Maganda ang istoryang pupuntahan ko sa Batangas.”

“Tungkol ba sa kalibugan ‘yan, Trevor?” Tanong ni Tisoy at nagtawa.

“May kaunti. Hayaan mo at kapag natapos ko bigyan kita ng kopya.”

“Sige. Hintayin mo na lang tawag ko mamaya lang, Trevor.”

“Okey, thanks.”

Wala pang kalahating oras ay tumawag uli si Tisoy. Sinusuwerte yata si Trevor. Parang pinagtiyap ng pagkakataon sapagkat yung bayan sa Batangas na pinangyarihan ng krimen ay mismong bayan ng tito ni Tisoy.

Itinuro kung saan sasakay at bababa. Madali lang daw makita. Malapit lang daw sa Sabungan. Maraming traysikel sa may sabungan ay doon magtanong para maihatid sa barangay na pinangyarihan ng krimen.

Kinabukasan, nagtu-ngo na si Trevor sa lugar na iyon sa Batangas. Isang oras at kalahati lang ang layo mula sa Metro Manila.

(Itutuloy)

Show comments