^

True Confessions

Takaw (41)

- Ronnie M. Halos -

NAPAKABILIS ng mga pangyayari. Pero ang isang mabuti kay Dick, natalikuran niya si Ella. Kung hindi siya nakahulagpos kay Ella, ano kaya ang nangyari.

“Salamat Pareng Tre-vor sa payo mo. Malaking tulong yun. Kung ipinagpatuloy ko ang pakikipag­relasyon kay Ella, baka   tuluyan na niya akong na­ hatak sa impiyerno. Kasi ayaw pa talagang maki-paghiwalay ni Ella sa akin. At handa raw siyang iwanan ang asawa.

“At alam mo ang isang balak ni Ella nang huli kaming mag-usap, gusto niyang ipapatay ang asawa. Para raw makuha ang insurance. Kapag namatay daw ang asawa, libreng-libre na kami. Magsasawa raw kami sa pera. Pero nakapag-isip ako. At nalaman ko nga, na napakabuting tao pala ng asawa niya. Nakonsensiya ako sa mga ginawang pagpatol sa asawa niyang si Ella. Pinagsisihan ko ang kasalanang iyon, Pareng Trevor. Nanalangin ako na sana ay ipagkaloob ng Diyos ang babaing karapat-dapat sa akin. At agad din akong sinagot. Ibinigay sa akin si Nelia na bukod sa mabait at mayaman pa. Hindi ako makapaniwala sa mabilis na pagbabago sa aking buhay.”

“E ano na kaya ang nangyari kay Ella at asawa niya?”

“Wala na akong interes na malaman ang tungkol sa kanya, Pareng Trevor. Ka­ pag naaalala ko ang mga nangyari sa amin na puro katakawan sa laman ang namagitan, nandidiri ako sa sarili. Napakarumi ko.”

“Alam ba ng asawa mo ang mga nangyari sa’yo?”

“Oo, Pareng Trevor. Ipi­nagtapat ko lahat. Wala akong inilihim. Mas mabuti na yung walang inililihim para walang maisumbat. Pati ang pagkakaroon ng anak, sinabi ko rin. At naunawaan niya ako.”

“Pinahanga mo ako, Dick. Talagang nagbago ka na. Palagay ko lalo pang gaganda ang buhay mo.”

“Salamat Pareng Trevor. Hayaan mo at sa tuwing pagluwas namin ni Misis ay dadalawin kita. Hindi ko lang siya naisama rito kasi may dinaluhang kasalan. Sa pagpunta ko rito uli, isasama ko na siya.”

“Sige Dick, gusto ko siyang makilala.”

“Sige inom pa tayo, Pareng Trevor. Gusto kong magsaya.”

“Meron lang akong problema, Dick. Tapos na pala ang kuwento mo, kaya maghahanap na    naman ako.”

“Anong kuwento, Pa­reng Trevor?”

“Yung kuwento ng “mag­ kakalaguyo”. Isinama ko ang kuwento mo sa koleksiyon ko. Isa ang kuwento mo sa may magandang wakas.”

“Talaga, Pareng Tre-vor? Bigyan mo ako ng copy ha?”

 “Oo. Bigyan kita.”

“Anong pamagat, Pa­reng Trevor?”

“Takaw.”

“Tamang-tama. Ba-gay sa naging katakawan ko,” sabi ni Dick at nagtawa.

(Itutuloy)

AKO

ANONG

ASAWA

BIGYAN

ELLA

OO

PARENG

PARENG TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with