Takaw (37)

“PAANO kung pag-uwi  ng asawa ni Ella ay hindi na pala ito babalik sa Saudi? Tapos na ang ma­liligayang araw, Dick?” tanong ni Trevor. Napuna niyang lasing na si Dick. Mapulang-mapula na.

“Hindi! Sabi ko nga sa’yo hindi ko siya iiwan. Kahit na ano pa ang mangyari, Pareng Trevor.”

Inubos nila ang alak. Akala ni Trevor ay hindi na bababa si Dick at pupuntahan si Ella. Pero kaya pa raw.

“Hindi puwedeng hindi ako pumunta, Pareng Trevor. Magagalit yun. Kaila-ngang madiligan siya.”

“Kaya mo pa?”

“Oo naman. Kayang-kaya pa ni Dick Nunal,” sabi nito at binuntutan ng tawa.

Bumaba na si Dick ma­tapos magpaalam.

Ilang araw ang nakalipas, may napansin si Trevor sa tinutuluyan ni Ella. May lalaki siyang nakikita roon. Hindi si Dick. Kinutuban siya. Dumating na ang asawa. Lalo pang tumibay ang kutob nang may makita siyang mga balikbayan boxes na nakatambak sa may unahan ng bahay isang umaga. Nabasa ni Trevor ang nakasulat na address sa box: Riyadh, Saudi Arabia. Tama nga, duma-ting na ang asawa ni Ella. Noong isang araw lamang nila pinag-uusapan ni Dick ang tungkol doon ay eto at nagkatotoo na. At baka nga hindi na babalik dahil maraming dalang gamit. Hinakot na yata lahat.

Kinahapunan, duma-ting si Dick. Malungkot. Kumpirmado na dumating na nga ang asawa ni Ella.

“Hindi na raw babalik sa Saudi!” Sabi ni Dick.

Eto na ang problema   ni Dick Nunal.

(Itutuloy)

Show comments