Takaw (24)

MASAKLAP ang nangyari kay Manong Rod. Tila karma ang nangyari sa kanya sapagkat kung ano ang ginawa niya sa kanyang asawa ay siya ring ginawa ng kalaguyo niyang si Nena. Matindi pa dahil yung lahat ng pera niya ay sinimot pa ni Nena. Pati raw alahas.

‘‘Grabe pala ang ginawa sa’yo ni Nena, Manong Rod,’’ sabi ni Trevor Buenviaje. ‘‘Ipinalasap sa’yo yung ginawa mo sa iyong mabait na misis.”

“Tama ka Trevor.”

“Paano mo nga nahuli ang dalawa, Manong? Pakiulit mo nga uli ng detalyado.’’

Nagtawa si Manong Rod. “Gusto mong malaman kung paano inararo si Nena ha?”

Nagtawa si Trevor.

Umuwi ako sa bahay ng umagang iyon dahil nalimutan ko yung bag na may lamang regalo para kay mayor. Siguro ay mga alas nuwebe ng umaga. Nang dumating ako sa bahay ay tahimik na tahimik. Naka-lock ang pinto sa unahan. Pero laging naka-lock iyon dahil si Nena ay madalas na nasa likod at naglalaba.

‘‘Lagi naman akong may dalang susi. Binuksan ko. Hanggang sa may marinig akong halinghing. Yung halinghing na sarap na sarap baga. Sa isip ko, aba masama na ito. Hindi haha­linghing si Nena na walang kasama. Maliban na lang kung ito ay nananaginip o binabangungot.

“Nakaawang ang pinto ng kuwarto namin. At habang ako ay papalapit ay lalong lumalakas ang ha­linghing ni Nena. Talagang masama na ito. Kinutuban na ako na may masamang nangyayari sa loob.

“Dali-dali akong sumugod. Sinipa ko na ang pinto. Bumukas. Ayun at kitang-kita ko na nakabaon pa ang araro sa mamasa-masang lupa. Hindi agad naalis ang pagkakabaon ng araro dahil sa kabiglaanan. Sinugod ko ang dalawa. Pero dahil ako matanda na at lampa na, hindi ko nahagilap ang lalaki. Mabilis na nadampot ang pantalon at damit. Yung brief naiwanan dahil nasa ulunan ni Nena. Si Nena naman ay iyak nang iyak. Pinatikim ko ng sampal. Malalakas. Tulig.

“Sabi ko lumayas na siya. Huwag na niyang hintayin pa na mapatay ko siya.

“Nagmamadali na kinuha ang mga damit. Saka ko lamang nalaman na simot na pala lahat ng alahas ng misis ko. Pati pera ko, ubos na rin. Sana hindi ko muna napalayas at binulatlat ko muna ang dala-dalahan. Hinayaan ko na.

“Nang wala na ang taksil na si Nena, saka ko na-realized ang mga nagawa kong kasalanan sa asawa ko. Grabe pala ang ginawa ko. Kung kailan ako tumanda ay saka nagloko.

“Sinubukan kong puntahan ang asawa ko sa isa sa mga anak ko, pero wala ito roon. Nasa ibang bansa pala. Naroon na ang isa kong anak.”

(Itutuloy)

Show comments