Takaw (20)

PATULOY na nakikinig si Trevor Buenviaje sa pagkukuwento ni Manong Rod. Ang bus na kanilang sinasakyan ay papasok na sa SLEX. Malinaw na malinaw ang pagkukuwento ni Manong Rod at nakatatak na sa utak ng manunulat na si Trevor. Tama ang kutob ni Trevor na maganda rin ang kuwento ni Manong Rod. Isa sa kagigiliwan sa kanyang koleksiyon ng mga kuwento ng “magkakalaguyo”.

Nagpatuloy si Manong Rod sa pagkukuwento.

“Niyaya ko na si Nena sa aming silid. Hindi na talaga kayang pigilan ang “takaw” ko. Kapag hindi natuloy iyon ay baka maghuramentado ako. Kailangang matikman na ang iniaalok ni Nena.

“Kailangan ay mabilis lang ang gagawin namin ni Nena at baka biglang dumating ang aking asawa. Sabagay ay sanay ako sa bilisan. Kahit nga sa sulok-sulok lang ay puwede ako.

“Pero hindi pala puwede ang basta bilis-bilis kay Nena dahil birhen pa. Ako raw ang una. Hindi ko akalain dahil ang tingin ko sa kanya ay may karanasan na. Talagang hindi ako makapaniwala.

“E di lalo akong nabighani kay Nena. Aba e sino ba naman ang hindi masisiyahan kung ikaw ang makauna sa babae. Parang pakiramdam ko e bagu-bago pa lang akong nagbibinata. Talagang masiglang-masigla ako nang makatalik si Nena.

“Dahil parang pigurin na babasagin e dinadahan-dahan­. Marunong naman akong mag-handle sa babasagin. Nang makaraos, hindi ko maipaliwanag ang nadama. Si Nena, ay walang imik habang nakalatag ang katawan. Nakatingin lang sa kisame. Hindi ko alam kung ano ang iniisip. Siguro’y iniisip kung bakit nangyari iyon.

“Sabi ko sa kanya ako ang bahala. Basta tahimik lang siya. Paano raw kung malaman ng misis ko. Paano raw siya. Sabi ko naman, akong bahala. Huwag siyang matakot. Bukod sa suweldo niya, bibigyan ko pa siya. Basta tahimik lang siya.

“Kaya mula noon, naging magkalaguyo na kami ni Nena. Kapag wala ang asawa ko, nagpapakaligaya kami…”

(Itutuloy)

Show comments