^

True Confessions

Takaw (10)

- Ronnie M. Halos -

HABANG kumakain ay napapansin ni Trevor Buenviaje na sumusulyap sa kanya si Thelma. Kakaiba ang kutob niya kay Thelma. May ibig sabihin ang mga sulyap at pag-ngiti-ngiti. Si Delmo naman ay walang kamalay-malay at patuloy lang ito sa pagsubo. Nakakamay lang si Delmo.

“Mamaya ko na ituloy ang kuwento tungkol kay Pareng Tommy. Kumain muna tayo nang kumain Tre­vor. Kuha ka pa ng litson o. Napakarami pala nitong binili ni Thelma. Inubos na yata ang P500 na binigay mo.”

“Okey lang, Delmo. Bibigyan pa kita.”

“Dinamihan ko na ang bili ng litson. Malay ko kung dito matulog si Trevor. Ma­rami pang ikukuwento si Delmo sa’yo. Nasaan na ba yung kuwento, Delmo?”

“Yung pinagtapat ko kay Pareng Tommy ang tungkol sa ginagawa ng kanyang asawa at helper.”

“Naku marami ka pang ikukuwento kay Trevor. Di ba nahuli na ni Pareng Tommy ang dalawa pero pinatawad?”

“Oo. Mamaya ko na nga iku­wento. Kumain muna tayo.”

“Bakit hindi mo painu-min si Trevor. May lamba­nog ka pa di ba?”

“Umiinom ka ba Trevor?” tanong ni Delmo.

“Kaunti lang, Delmo.”

“Masarap ang lambanog ko dahil may nakababad nang pasas at juicy fruit. Siguro mga limang taon na itong may babad. Galing pa sa Tiaong. Manamis-namis na nga.”

Sa totoo lang ay hindi pa nakakatikim ng lambanog si Trevor Buenviaje. San Mig light pa lang at Fundador ang natitikman niya. Una niyang inom ay nang magkayayaan sila ng kanyang kaklase noong nasa UP pa sila. Masarap ang unang inom niya dahil sagana sa pulutan. Tamang-tama ang lamig ng San Mig. Nagpapawis ang bote.

“Kunin mo nga Thelma ang lambanog at nang matikman ng kaibigan kong si Trevor. Marami pa naman kaming pulutang litson.”

Tumayo si Thelma at ti­nungo ang cabinet na nasa tabi ng lalagyan ng bigas. Kinuha ang lambanog na nasa malaking gallon. Kulay pula ang lambanog. Dinala ito ni Thelma sa harap ni Delmo at Trevor.

“Kumuha ka ng dalawang baso, Thelma.”

Kumuha si Thelma. Nag­salin si Delmo sa dalawang baso. Mababa sa kalahati. Ibinigay kay Tre­vor ang isa.

“Toast tayo.”

Nag-toast sila. Nilagok ni Trevor. Inubos. Naramdaman niya ang pagguhit sa kanyang lalamunan patungo sa sikmura. Masarap. Manamis-namis.

“Ano Trevor? Masarap ano?”

“Oo.”

Saka itinuloy ni Delmo ang pagkukuwento kay Trevor ukol sa Pareng Tommy niya. Habang nagkukuwento, ay nasusul-yapan ni Trevor si Thelma na nakapagkit ang tingin sa kanya.

(Itutuloy)

ANO TREVOR

DELMO

MASARAP

PARENG TOMMY

SAN MIG

THELMA

TREVOR

TREVOR BUENVIAJE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with