Ganti (Wakas)
ANG KASUNOD ay ang pagpapakasal nina Edel at Lauviah. Maligayang-maligaya ang mag-asawa. Pero mas matindi ang nadaramang kaligayahan ng kani-kanilang ina na sina Lorena at Celia.
“Alam mo, Celia, wala na akong mahihiling sa buhay. Lahat ay binigay sa akin ng Diyos. Pagkaraan ng mga kasawian, mayroon palang magandang bukas. Sa kabila ng mga sakit mayroon palang ka-ginhawahan.”
“Pareho tayo Lorena. Wala na rin akong mahihi-ling pa. Ngayong kasal na sina Edel at Viah, kampanteng-kampante na ako.”
“Kung gusto mo dito ka na lang sa Nagcarlan para lagi tayong magkasama. Tapos, kapag nagsawa ka, e di ako naman ang pupunta sa Mindoro. Hindi pa ako nakakasakay ng barko. Di ba nagbabarko roon?”
“Aba, magandang suhestiyon ‘yan, Lorena. Sige para naman maiba-iba ang paligid natin.”
“Mas lalo tayong magi-ging masaya kapag nagkaroon na tayo ng apo. Alam mo, Celia, naiimagine ko na ang mga apo natin. Sigu radong mga cute. Ang ganda-ganda kasi ni Viah, mas maganda pa kay Kim Chiu.”
“E guwapo naman din kasi si Edel. Napapansin mo na parang magkamukha sila, Lorena?”
“Oo. Kasi naman ay parehong Tsinoy ang ama.”
Napahagikgik ang dalawa.
“Pero sigurado ka na Lo rena na hindi ka na mag-aasawa?”
“Ay Diyos ko, sa lahat iyan ang ayaw na ayaw kong pag-usapan. Kasi’y talagang para sa akin, ang asawa kong si Noli ang una at huling lalaki sa akin. Wala siyang katulad, Celia. Ikaw nga diyan baka me manligaw sa’yo e bumigay ka.”
“Ay naku, malabung-malabo. Hindi rin mapapalitan si Rafael dito sa puso ko. Wala siyang katulad. Nag-iisa si Rafael sa buhay ko, Lorena.”
“Meron ka bang picture ng asawa mong si Noli, Lorena?”
“Ah, teka at narito sa wallet ko.”
Kinuha ni Lorena ang wallet at kinuha ang picture. Ipinakita kay Celia. Takang-taka si Celia nang Makita ang picture ni Noli.
“Bakit Celia?”
“Kasi’y magkahawig sila ng mister kong si Rafael.”
“Patingin nga ng picture niya.”
Kinuha rin ni Celia ang wallet at kinuha ang pic-ture ni Rafael. Ipinakita kay Lorena.
Hindi makapaniwala si Lorena sapagkat magkahawig na magkahawig sina Noli at Rafael. Pati ang posing ay iisa. Anong kababalaghan iyon?
Ganoon man, sobra-sobra ang pasasalamat ng dalawa sapagkat ang mga lalaking minahal nila ay nag-iwan sa kanila ng hindi malilimutang alaala. Si Noli, kahit na hindi tunay na anak si Edel ay minahal ito nang labis. Si Rafael, hindi iniwan si Celia at pinili na mamuhay ng karaniwan gayung lumaki sa yaman. Iniwanan siya ng matalino, maganda at mabait na anak sa katauhan ni Lauviah.
Ang kanilang mga pagtitiis at paghihirap ay may magandang GANTI mula sa Diyos.
(Bukas, tunghayan ang isa na namang kapana-panabik na nobela ni Ronnie M. Halos)
- Latest
- Trending