^

True Confessions

Ganti (94)

- Ronnie M. Halos -

EKSAKTONG alas singko ay dumating si Edel at ang nobya umano nito. Na­silip niya sa bintana ang pagpasok ng kotse sa kanilang garahe. Kinabahan si Lorena. Hindi ma­la­man ang ga­gawin. Paano’y iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may ipakikilang babae ang anak. Sorpresa pa nga. Tiningnan niya sa salamin ang sarili. Ayaw niyang maging pangit sa paningin ng mamanuga-ngin.

“’Ma! ‘Ma!”

Narinig niyang tawag ni Edel mula sa labas.

“Oo. Sandali lang. Pa-labas na.”

Binuksan ni Lorena ang pinto. Tumambad si Edel. Nasa likuran ang babae na sa unang tingin niya ay kamukha ng artistang si Kim Chiu. Nakangiti. May biloy siyang nakita sa pisngi.

“’Ma si Lauviah.”

“Kumusta po?” sabi ni Lauviah at saka niyakap si Lorena at hinalikan. Napa-kagaan pero napakainit nang pagkakayakap sa kanya ni Lauviah.

“Halika, pasok! Pasok!” Nasabi ni Lorena matapos yakapin ni Lauviah.

Pumasok sila at humantong sa salas. Pinaupo niya si Lauviah.

“Ang ganda naman ng pangalan mo, Lauviah.”

“Viah po ang nickname ko.”

“Ang gandang pangalan, bagay na bagay sa ganda mo.”

Ngumiti si Viah. Napaka­tamis ng ngiti na parang nakahahawa.

“Ayan, gustong-gusto ka na ni Mama, Viah. Hindi ka na niya pauuwiin. Dito ka na matutulog ngayong gabi.”

Nagtawa si Viah. Pati pagtawa nito ay maganda. Masayang-masaya naman si Lorena. Iyon yata ang pinakamasaya niyang araw.

“Kasi naman ngayon mo lang siya pinakilala. Sinorpresa mo ako. Kanina pa ako kinakabahan.”

“Bakit ka naman kina-kabahan, ‘Ma?”

“Ewan ko. Pero ngayong nakita ko na si Viah ay big­lang nawala ang kaba ko. Napawi bigla.”

“Ano sa tingin mo ‘Ma. Maganda akong pipili ano?”

“Super kang pumili, Edel.”

“Hindi naman po,” sabing mapagkumbaba ni Viah.

“Ay talagang sinasabi ko nang totoo na ikaw ay gusto ko para kay Edel.”

“Talagang si Viah na ang gusto mong maging manugang, ‘Ma?”

“Oo. Gusto ko pakasal na kayo.”

Nagkasabay pa sa pagtawa sina Edel at Viah.

Sa oras ng hapunan ay walang tigil sa pagkukuwentuhan. Pati ang pa-ngalan ni Viah ay tinanong ni Lorena.

“Kakaiba ang pangalan mo, Viah. Maaari ko bang malaman kung saan kinuha ang name mo.”

“Sa isang Angel daw po. Sabi ni Mama, paboritong-paborito raw niya ang Angel na si Lauviah.”

“Ang galing naman ng Mama mo. Kumusta naman ang mga magulang mo, Viah.”

“Ang father ko po patay na. Isa pong Tsinoy…Ang mama ko na lang ang mag-isang nagpalaki sa akin…”

May naaala si Lorena sa sinabing iyon ni Viah.

(Itutuloy)

vuukle comment

EDEL

KIM CHIU

KUMUSTA

LAUVIAH

LORENA

NAMAN

OO

VIAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with