^

True Confessions

Ganti(85)

- Ronnie M. Halos -

TATLO na ang napapahiwalay kay Lorena — si Encar, Pau at Lyra, pero natutuwa siya at maganda ang naging kapalaran ng mga ito. Masuwerte si Encar at ang asawang si Nado sa meatshop nilang itinayo. Nagbukas na naman sila ng panibagong shop at kinakitaan din nang pag-asenso.

Si Pau ay maunlad na rin ang katayuan sa Mindoro. Doon na sila nanirahan dahil mas mahirap kung magkahiwalay sila ng asawang si Brent. Nagtayo rin sila ng meatshop. Sila raw ang may kauna-una-hang meatshop sa Mindo­ro na kung saan ay may tinda rin silang gulay at kung anu-ano pang pangsahog. Kung ang kustomer ay maglalaga ng karne, naroon sa tindahan nila ang lahat ng klase ng gulay na pangsahog. Wala nang hahanapin pa. Pinakamalinis daw ang kanilang shop. At aircon pa kaya nasisiyahan ang mga kustomer.

Sa huling pag-uusap nila sa cell phone ni Pau, ay nagpagawa pa sila ng extension dahil hindi na raw ma-accomodate ang mga kustomer. Pinag-iisipan din daw nila ang CHICKEN-BABOY INASAL doon. Kutob daw nilang mag-asawa, papatok ang kanilang nai-sip na bagong negosyo.

Si Lyra ay madalas tumawag kay Lorena. Sa hu-ling tawag nito ay sinabing may trabaho na. Sa isang casino raw. Tagapalit ng chips. At masaya ring ibinalita nito na buntis na siya.

Akalain ba niyang ang tatlo sa pitong “naisalba” niya sa kuko ng mga mapang-aping amo ay maganda ang magiging kapalaran sa buhay.

Ang apat pang natitira — Lea, Ara, Angela at Kelly ay wala pa siyang naaamoy na balak. Baka naman ang mga ito ang talagang hindi aalis sa kanyang poder. Dito sila mamamalagi hanggang sa wakas.

Pero nagkamali si Lorena.

Isang gabi na nasa may balkonahe siya nang kanyang bahay ay nilapitan siya ni Lea at Ara.

“Ate may sasabhin kami ni Ara sa’yo…” mahinahong sabi ni Lea.

“Ano yun?”

“Gusto naming mag-aral ni Ara. Kasi’y mas maganda kung may natapos. Kaya lang ang schedule namin sa trabaho ay apektado.”

“Bakit apektado?”

“Kung sa umaga ang klase naming e ’di hindi kami makakapagtrabaho sa pabrika mo. Baka masira ang produksiyon…”

“Walang problema. Akala ko naman kung ano na ang sasabihin n’yong dalawa.”

“Kasi Ate, gusto naming talagang makatapos ng kolehiyo.”

“Ano ba ang kukunin mo Lea?”

“Gusto kong maging teacher, Ate.”

“Mabuti yun. E ikaw naman, Ara?”

“Gusto ko’y Food Technology, Ate. Para maka-tulong ako sa negosyo natin. Kapag nakatapos ako, hindi ka na magha-hire ng Food Tech.”

Nasiyahan si Lorena sa balak ni Ara.

“Sige mag-enrol kayo at akong bahala sa tui­tion n’yo. Dapat talaga mayroong matapos ang isang tao.”

Sa sobrang kasiyahan ay niyakap si Lorena ng dalawa.

(Itutuloy)

ANO

ENCAR

FOOD TECH

FOOD TECHNOLOGY

KASI ATE

KUNG

LORENA

SI LYRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with