^

True Confessions

Ganti(78)

- Ronnie M. Halos -

KUNG gaano ang excitement na nadama nina Lyra at mga kasama nang manganak si Pau, ganundin naman ang excitement na nadama nila nang manganak si Encar. Kinabukasan, sa viewing time sa nursery ay nakaabang na sina Lyra para makita ang sanggol na niluwal ni Encar.

“Ano kayang itsura ng baby ni Encar?” tanong ni Lyra sa katabing si Lea.

“Ako alam ko na kung ano ang itsura, Ate Lyra?”

“Ano?”

“Singkit din at maputi.”

“Malakas ang dugo ng Intsik?”

“Oo, tingnan mo ang anak ni Pau.”

Napatangu-tango si Lyra. Saka naisip na ano nga ba ang aasahang itsura sa iniluwal ni Encar kundi ang itsura rin ng kanilang among manyakis.

Bukod kay Lyra at Lea, naroon din si Ara at Angela. Si Lorena ay nasa kuwarto pa ni Encar at may inaayos pa ukol sa birth certificate ng bata.

Nang buksan ang nakatabing na berdeng kurtina sa nursery room ay nag-unahan sa pagdukwang sina Lyra. Hawak ni Lyra ang isang kapirasong papel na may nakasulat na BABY SANTOS. Santos ang apel­yido ni Encar.

Nang mabasa ng attendant ang pangalan ng baby ay tinungo ang isang crib at itinulak papalapit sa salamin na kinaroroonan nina Lyra.

“Ay ang cute!” Sabi ni Lyra.

“Kakatuwa.” Sabi ni Lea.

“Diyos ko at humikab na, he-he-he.” Sabi ni Angela.

“Tama ka Lea, hindi maipagkakaila na anak ng Intsik ang baby. Singkit din. Kaya lang hindi yata maputi.”

“Oo nga Ate Lyra. Kanino kaya nakuha ang kulay?”

“Maputi naman si Encar.”

“Siguro, lalo tayong magiging masaya sa bahay. Dalawa na ang manika natin.”

“Parang gusto ko na ring mag-anak, Lea,” sabi ni Lyra.

“E, di pabuntis ka.”

“Ay sira!”

“Siguro kung hindi tayo nailigtas ni Ate Lorena sa dati nating tirahan ay baka kung ano na rin ang nangyari sa atin, Ate Lyra.”

“E di ba hinihipuan na nga ako ng manyakis. Narinig lang na paparating ang asawa kaya dali-daling bumaba ng hagdan. Kung hindi dumating ang asawa, baka nabiktima rin ako.”

“Kaya tinatanaw ko na malaking utang na loob ang pagliligtas sa atin ni Ate Lorena.”

Lingid sa kanila, papalapit na si Lorena sa kanila. Panonoorin din ni Lorena ang sanggol ni Encar. Narinig ni Lorena ang pag-uusap nina Lyra at Lea.

“Kaya alam mo Ate Lyra, hindi na ako aalis sa piling ni Ate Lorena. Sa kanya na ako kahit kailan.”

“E di mas lalo na ako. Hindi na ako aalis sa kanya,” sabi naman ni Lyra.

Napangiti si Lorena sa narinig. Masayang-masaya siya.

(Itutuloy)

AKO

ATE LORENA

ATE LYRA

ENCAR

KAYA

LORENA

LYRA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with