^

True Confessions

Ganti (58)

- Ronnie M. Halos -

“PAANO nalaman ni Lyra ang number mo, Lea?” tanong ni Lorena.

“Noon pa po niya alam, Mam. Bago kami pinagbawalang mag-cell phone ay naitago na niya ang number ko. Siguro ay may bago nang cell si Lyra.”

“Ibigay mo sa akin ang number niya at ako ang kokontak sa kanya.

“Opo, Mam.”

“Kapag naisaayos na ang plano, babalikan ko sila roon. Magdadala na ako ng sasakyan para ma­ging madali ang pagtakas ko sa kanila.”

“Paano po kung meron na namang bagong recruit?”

“Saka na lamang intindihin yun. Ang mahalaga mailigtas sina Lyra.”

“Ikaw na lamang po ang tanging pag-asa nina Lyra, Mam Lory.”

“Pagtutulungan natin na maialis sila sa impiyernong iyon. Hindi na natin isusuplong sa pulis ang pagmamaltrato dahil kapag hinuli sila, magpipiyansa lang at labas na naman. Muling ku­kuha ng aalilain at pagmamalupitan..”

“Paano mo nalaman na ganun ang nangyayari, Mam Lory.”

“Alam ko dahil sa nangyari sa akin…”

Nabigla si Lorena. Hindi niya dapat sinabi iyon.

“Ano pong nangyari?”

“Saka ko na lang sasa­bihin. Mahabang istorya. Ka­pag nagtagumpay na tayong maitakas ang mga pinagmamalupitan sa tindahan saka ko sasabihin sa inyo ang dahilan.”

Kinontak ni Lorena si Lyra sa cell phone. Sinabi rito ang mga balak.

“Ang gusto kong malaman ay kung papayag ang tatlo mo pang kasama na umalis diyan.”

“Si Kelly at Angela po   gustong-gusto nang ma­ka­alis dito. Si Encar po ang hin­di ko maintindihan kung ano ang nagpapagulo sa isip.”

Naisip ni Lorena na baka si Encar ang magnguso kina Lyra sa gagawing pagtakas. Sinabi sa kanya ni Lea noon na mag-ingat at baka may “ahas” na magbulgar ng plano.

“Ano sa palagay mo Lyra, kailangan natin siyang isama?”

“Sa palagay ko po, Mam.”

“Mabuti siguro, pakiusapan mo munang mabuti si Encar. Kailangang matiyak ang pagsama bago ako pumunta riyan. Magdadala ako ng sasakyan.”

“Sige po, Mam.”

“Totoo bang may ba­gong recruit na mga tindera at magaganda?”

“Opo. Dalawa po. Ba­gong graduate sa high school.”

“Sa ngayon ba, ma­hig­pit ang pagbabantay sa inyo?”

“O-opo. Mahigpit po…”

Natigilan si Lyra. Parang may dumating.

“Mam saka ka na lang tumawag kasi…”

Isinara ang cell phone. Delikado. Baka may nakarinig kay Lyra habang nakikipag-usap kay Lorena.

(Itutuloy)

ANO

ENCAR

LORENA

LYRA

MAGDADALA

MAM

MAM LORY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with