^

True Confessions

Ganti (50)

- Ronnie M. Halos -

NILAPITAN ni Lorena ang pinto. Kinatok-katok pero marahan lang. Basag ang katok. Ibig sabihin plywood lang. Madaling sirain.

Sinubukang itulak-tulak. Umalog. Lumangitngit. Halatang may kalawang ang bisagra.

“Maaaring bumigay ito, Ara. Manipis lang.” sabi niya sa nakamasid na si Ara. Si Pau ay nanatiling nakaupo sa kama.

“Ano po kaya Mam kung unti-unti nating butasin ang pinto?”

Napangiti si Lorena. Bakit ba hindi niya naisip iyon?

“Puwede, Ara. Kaya lang meron ba tayong kutsilyo o kaya matulis na bagay diyan? Kahit screwdriver?”

“Meron po akong screwdriver dito, Mam,” sabi ni Pau. “Nasa bag ko po.”

“Mabuti, Pau.” Ki­nu­ha ni Pau ang screwdriver sa bag. Iniabot kay Lorena.

Lumapit si Lorena sa pinto. Iniumang sa pinto ang screwdriver. Sinimulang butasin ang bahagi ng pinto na malapit sa kandado.

“Medyo matigas pero kayang pagtiyagaan. Sa una lang ito matigas pero kapag nakabaon na ang screwdriver, madali na. Kailangan lang makagawa tayo ng butas.”

“Tutulungan kita Mam.”

Si Ara naman ang nagbutas sa pinto. Unti-unti nang lumulubog ang screwdriver. Malapit nang mabutas ang unang layer.

“Paano Mam kung su­mapit na ang alas diyes ay hindi pa tayo tapos dito? Baka po abutan tayo rito ng manyakis kong amo.”

“Makakaya nating butasin yan bago mag-alas-diyes. Makakatakas tayo rito.”

Ipinagpatuloy nila ang pagbubutas. Hanggang sa mayrong tamaan ang screwdriver. Matigas. Tila ang kinakapitan ng padlock.

Ubos diin pang itinulak ni Lorena ang screwdriver. Matigas. Kumuha ng pa­mukpok si Ara. Kapirasong kahoy na pangkalso. Dahan-dahang pinukpok. Bumigay.

Hindi sila humihinga. Huwag sanang lumabas ang amo sa kuwarto nito at makita ang bumigay na kandado. Kapag nadiskubre iyon, wala na silang pag-asang makatakas. Baka kung ano ang gawin sa kanila nang demonyong amo.

(Itutuloy)

ANO

BAKIT

LORENA

MATIGAS

PAANO MAM

SCREWDRIVER

SI ARA

SI PAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with