^

True Confessions

Ganti (39)

- Ronnie M. Halos -

“GUSTO mong ma­kaalis dito, Ara?” ta­nong ni Lorena.

“Opo. Kung mayroon lang akong makikitang ibang trabaho aalis ako rito.”

“Tutulungan ki-tang makahanap ng ibang trabaho pero tulungan muna natin sina Lea at Pau.”

“Paano po natin tutulungan?’’

‘‘Puntahan mo sina Lea at sabihin na tawagan ako sa cell phone. May number ako kay Lea.”

“Wala pong cell phone si Lea, Mam.  Kasi kinumpiska ng amo naming babae.’’

“Paano niya ako ma­tatawagan?’’

Nag-isip si Ara.

‘‘Sige po Mam ako ang bahala. Tatawa-gan ka ni Lea. May naisip na akong paraan.”

“Salamat, Ara.”

“Mam, ihanap mo ako ng trabaho. Gusto ko talaga makaalis dito. Kahit po maliit ang suweldo.”

“Oo, Ara. Huwag kang mag-alala. Kung maaari kayong lahat ay ihahanap ko ng trabaho. Pangako ko.’’

“Salamat po nang marami. Gagawin ko ang iniuutos mo. Mamayang gabi po, pupuslit ako rito at magtutungo sa tindahan sa Soler.’’

‘‘Salamat, Ara.’’

Pasado alas-diyes ng gabi ay nag-ring ang cell phone ni Lorena. Si Lea ang tumatawag.

“Hello Lea?’’

“Hello Mam.”

“Ano, kumusta ang lagay ninyo ni Pau?’’

‘‘Mam delikado! Palagay ko po si Pau ay ginagalaw na ng aming amo. Nakatulala palagi si Pau. Kapag tinatanong ko, ayaw sumagot.’’

“Iyan ang kutob ko na noon pang huli ta-yong mag-usap. Di ba pinakiusapan kitang tingnan si Pau sa second floor pero nakita ka ng amo mong lalaki at itinaboy ka pababa. Palagay ko, sa banyo ginahasa si Pau.”

‘‘Ang hirap po Mam Lory ay ayaw magsali-ta ni Pau. Pinipilit kong magsalita kung ano ang nangyari sa kanya pero tahimik lang”

“Gusto mo na bang umalis diyan, Lea?’’

“Gustong-gusto ko na Mam Lory.”

“Sige bukas ng gabi, sunduin kita diyan. Pati si Pau, isama natin. Sabihin mo sa kanya, ihanda ang damit niya. Magdadala ako ng sasakyan.’’

(Itutuloy)

AKO

HELLO LEA

HELLO MAM

LEA

LSQUO

MAM LORY

PAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with