^

True Confessions

Ganti (22)

- Ronnie M. Halos -

NANANALAYTAY sa dugo ni Edel ang hilig sa negosyo. Naalala ni Lo­rena, negosyante ang among Intsik na guma­hasa sa kanya at iyon ang sinusundan ni Edel. Hindi maikakaila na sa murang gulang ay naki­kita na ang pagkahilig nito sa negosyo.

Naalala pa ni Lorena na nagpagawa si Edel ng cookies sa kanya.

“Anong gagawin mo sa cookies?” ta­nong niya.

“Ibebenta ko sa mga kaklase ko Mama. Kasi, sa aming canteen, e pa­ulit-ulit na lang ang tinda.”

Napangiti si Lorena sa sinabi ni Edel. Iginawa niya ng cookies ang anak. Tu­mulong pa si Edel sa pag­hahanda ng gagamitin.

“Baka naman mapaga­litan ka ng teacher mo?”

“Hindi naman siguro Mama.”

Hinayaan niya. Para na rin matutong kumita ng pera. Maaga pa’y mabuti nang malaman kung paano kumita.

At bukod nga sa pag-aalok ng paninda sa mga kaklase, tumutulong din si Edel sa kanilang tindahan ng longganisa. Ito na ang nagsusukli. Tinutulungan ang ina sa pagbibilang ng mga nakabalot na longga­nisa na order sa kanila. Noon ay hindi lamang ang isang grocery sa Makati ang nag-order sa kanya kundi pati ang mga nagma-manage ng canteen sa ilang government offices. Kumalat ang balita sa kan­yang produkto mula sa bibig lang. Nagpasalin-salin. Kaya lalong lumakas ang benta ni Lorena. Kung noong nabubuhay pa si Noli ay malakas na ang ka­nilang produkto, mas lalo pa ngayon.

At inaamin ni Lorena, malaki ang naitutulong ni Edel sa kanya. Hindi niya akalain na sa murang gu­lang nito (noon ay magta­tapos ito sa high school) ay marami nang naiisip para mapalakas pa ang pro­dukto nila.

“Ma, kailangan baguhin natin ang packaging ng product.”

“E baka malito ang customer natin kapag binago?”

“Hindi ’Ma. Maaakit pa nga sila para bumili.”

“Paano?”

“Magpapa-design ta­yo. Marami nang nagde-design.”

Humanga si Lorena sa anak. Mukhang tama nga ito. Kailangang ma­ganda ang packaging para maging kaakit-akit ang produkto.

Sinunod niya ang su­hestiyon. Naghanap ng magdedesenyo ng ka­nilang produkto. Si Edel ang nagpaliwanag sa magdedesenyo sa nature ng produkto.

Nang matapos, ay hindi makapaniwala si Lorena. Tamang-tama sa kanilang produkto. Ka­akit-akit iyon.

(Itutuloy)

ANONG

EDEL

HINAYAAN

LORENA

NAALALA

SHY

SI EDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with