^

True Confessions

Ganti (20)

- Ronnie M. Halos -

ISANG linggo bago ang “pag­lisan” ng pinakamamahal niyang asawa, nagbigay ito ng mga pahiwatig. Ukol sa kanilang negosyo at mga ari-arian. Ukol kay Edel. Pati ang mga pagbabayad ng buwis sa kanilang lupain ay sinabi. Pati ang tungkol sa resipe ng kanilang skinless longganisa ay pabirong ipinagbilin. Kakatwa. Pero hindi naman iyon gaanong pinansin o binigyan ng kahulugan ni Lorena. Bukod doon, napansin din ni Lorena ang sobrang kalam-bingan ng asawa. Dati nang malam-bing si Noli pero bago ang “paglisan” nagpakita ito nang kakaibang kalam-bingan.

At nang maganap ang “paglisan” na wala nang ba­likan, saka lamang naalala ni Lorena ang mga kakatwang pahiwatig ng pinakamamahal na asawang si Noli. Noong una ay hindi siya makapaniwala.Hindi totoo ang nangyari. Panaginip lang ang lahat. Pero nang makita niya ang katawang walang buhay ng asawa sa emergency room ng ospital na pinagdalhan dito saka lamang niya na-realized na hindi na nga panaginip ang lahat. Wala na si Noli. Wala na ang lalaking nagmahal nang labis sa kanya at nagdulot nang magandang buhay.

Atake sa puso ang dahilan. Inabot ng traidor na sakit habang kausap ang lalaking pumakyaw ng lansones. Biglang kinapos daw ng paghinga. Isinugod sa ospital. Ni-revived ng mga doctor pero maka­raan lang ang isang oras ay namatay din.

Walang nalalaman si Lorena na may sakit sa puso si Noli. Wala itong sinasabi. Wala ring idinadaing. Kaya ang buong pagkakaalam ni Lorena ay walang sakit si Noli. Sa itsura ni Noli, walang makikitang palatandaan na may mga bara pala ang ugat sa puso nito. Sabi ng mga doctor, maaaring may nararamdaman na si Noli pero hindi nito pinapansin. Ang akala ay karaniwang pananakit lamang ang nararamdaman. Ni minsan ay hindi natandaan ni Lorena na nag-pa-check up si Noli sa doctor sa panahon ng kanilang pagsasama. Hindi lang niya alam kung noong binata ito ay nagpatingin sa doctor. Hindi nila iyon napagkuwentuhan man lang. Basta ang karaniwan nilang pinag-uusapan ay kung paano pa mapalalago ang kanilang negosyo.

Nang nasa kabaong na si Noli saka lamang tulu-yang natanggap ni Lorena na iniwan na nga siya ng asawa. Hindi niya iniiwan ang kabaong ni Noli. Lagi niyang sinisilip ang mukha. Habang umiiyak ay umuusal si Lorena ng pangako: “Wala kang makakapalit sa puso ko Noli.

Ipinangangako ko, ikaw ang una at huling lalaki    na mamahalin ko.”

(Itutuloy)

BIGLANG

LORENA

NANG

NOLI

PATI

PERO

UKOL

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with