^

True Confessions

Ganti (14)

- Ronnie M. Halos -

Tuwang-Tuwa raw si Aling Delia nang malaman na may gusto rin pala si Lorena kay Noli. Wala raw palang problema dahil pareho ang damdamin.

“Naku siguradong magiging maligaya kayong dalawa,” sabi ng matanda. “At itong si Edel sigurado akong mamahalin ito ni Noli na baka higit pa sa tunay na anak.”

“Nahalata ko na nga po noong una niyang makita si Edel. Magiliw siya sa bata.”

“Oo. Talagang magiliw sa bata yan.”

Nang muli raw duma-law si Noli kina Aling Delia ay nagkasarilinan na sila. Pero bago sila nagkasari­linan ay nagbigay muna ng introduksiyon si Aling Delia sa pamangkin. Iyon ay para hindi maunahan ng hiya si Noli.

“Pareho naman pala ka-yong nagkakagustuhan. Wa-la naman palang problema at sigurado ako na magiging maligaya kayong dalawa,” sabi at lumabas na ang matanda.

Sa una raw ay nagkahiyaan nga ang dalawa. Pero nang mga sandali raw na iyon ay hindi maipaliwanag na kaligayahan ang nadama ni Lorena. Iyon ang unang pagkakataon na nakadama siya nang kaligayahan mula nang mangyari ang mga trahedya niya sa buhay.

Siya na nga ang unang nagbukas ng usapan para hindi atakehin ng pagkadungo si Noli. Mas madaling magbukas ng usapan kapag mahal mo ang kaharap. Wala nang pasakalye pa.

“Mahal mo raw ako, Noli. Sabihin mo nga sa akin nga-yon.”

Nakatingin si Noli sa kanya pero halatang nagulat ito. Hindi inaasahan na ganoon ang sasabihin.

“Mahal kita Lorena.”

“Mahal din kita Noli.”

Ganoon lang at lalong nag­kulay rosas ang paligid nila.

Kasunod niyon ay ang pagbubuo ng pangarap. Kapag daw nakasal na sila, sabi ni Noli ay sa Nagcarlan na sila maninirahan. Malaki ang bahay niya roon. Kumpleto sa gamit. Doon sila mamumuhay nang maayos. Maganda raw ang mamuhay doon. Doon daw nila palalakihin si Edel. Doon mag-aaral. Dadalawin na lang daw nila ang dalawang matanda. Kapag Pasko at Bagong Taon ay dito sila magse-celebrate. Marami pang plano si Noli.

Siya na ang yumakap kay Noli. Gusto niyang ma-yakap ang lalaking nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa sa buhay. Niyakap din siya ni Noli. Pakiramdam daw ni Lorena, secure na secure siya sa lalaking ito. Talagang mahal na mahal siya. Hindi lamang siya kundi pati si Edel ay mahal din ni Noli. Kasama si Edel sa mga plano nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALING DELIA

BAGONG TAON

EDEL

IYON

KAPAG PASKO

LORENA

NOLI

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with