May hiyas pa sa liblib (123)
WALANG kasingganda si Ganda. Kung ano ang nakita ni Fred noon sa sapa ng Bgy. Luningning ay iyon pa rin ang nakita niya ngayon. Walang kupas na kagandahan. Akalain ba niyang ang pinapangarap na babae ay angkin na pala niya. Nagbunga ang kanyang pagtitiyaga at pagpapa-kahirap. Tama ang kasabihan na walang mailap na birhen sa lalaking matiyagang manalangin.
“Di ba sabi mo maaari naman sa banyo kahit walang sapa, Ganda?”
Napahagikgik si Ganda sa tanong ni Fred.
“Kahit wala tayong la-languyan sa banyo, okey lang?” “Okey lang, Ganda. Puwede naman sa timba.”
Napahagikgik muli si Ganda. Mas lalo nang naging maganda sa kan- ya si Ganda.
“Tena na, Fred,” sabi ni Ganda at hinagilap ang malapad na tuwalya at ibinalabal sa katawan.
Si Fred ang naunang lumabas. Sumilip sa salas. Siniguro na tulog na sina Mulong at Lorena. Tahimik na tahimik na ang kabahayan. Sa labas ang naririnig na lang ay ang ugong ng mga nagdaraang traysikel at ilang sasakyan.
“Halika na Ganda.”
Inakay niya si Ganda at nagtungo sila sa banyo.
Nang makapasok sila sa banyo ay agad sinara ni Fred. At hindi na siya nakapagpigil pa sa asawa. Niyakap at hinalikan niya. Sabik na sabik siya. Ang mga naipon niyang pagkasabik ay inilabas niya. Matagal na panahong naghintay siya kaya naman ganito ang naramdaman niya. Ganoon pa man at sabik na sabik siya, gentle na gentle pa rin ang dampi, hawak at paghalik niya kay Ganda. Kaila-ngang dahan-dahan ang paghawak sa babasagin.
“Fred dahan-dahan ha?” sabi ni Ganda.
“Oo.”
Dahan-dahan. Marahan na marahan. Gusto niyang madama ni Ganda ang walang kasingsarap na pagmamahalan. Ipadadama niya iyon nang sobra-sobra kay Ganda. Sanay na siya. Ituturo niya iyon kay Ganda.
“Fred…Fred…”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending