May hiyas pa sa liblib(122)
ISANG simpleng kasalan lang ang naganap nang sumunod na buwan. Si Ganda ang may gustong maging simple lang iyon.
Ang trahe ni Ganda ay simple lang pero lumutang ang kanyang ganda. Ang damit ni Fred ay simpleng Barong Tagalog pero matikas na matikas ang dating niya. Isang ninong at isang ninang lang. Sina Mulong at Lorena ang mga alalay sa kasal. Ang anak ni Fred na si Kim ay kasama ay meron ding papel. Ang kasal ay idinaos sa malapit na simbahan. At ang reception ay sa mismong aroskalduhan. Pero ang handang pagkain ay pina-cater nila. Mara- ming pagkain kaya ang mga kapitbahay ay nagsawa.
Iyon ang pinakamaliga-yang araw para kina Fred at Ganda.
Nang mag-alisan na ang mga bisita at nag-iisa na sila sa silid ay tinanong ni Fred si Ganda kung saan nito gustong pumunta— honeymoon.
“Dito na lang sa kuwarto.”
“Ayaw mong lumabas tayo?”
“Dito na lang Fred.”
“Hanga ako sa’yo Ganda. Yung ibang babae gusto ay sa ibang lugar pa mag-honeymoon para raw memorable. Ikaw, okey lang kahit dito sa kuwarto.”
“Mas magiging panatag ako rito sa lugar na ito. Ang mahalaga sa akin na magkasama na tayo, Fred. Gusto ko, dito ibigay ang gusto mo.”
Lalong humanga si Fred sa asawa. Hindi nga siya nagkamali.
“Noong hindi ko pa nakikita ang nangyari sa Luningning, gusto ko sana dun tayo mag-honeymoon. Tapos sa umaga ay maliligo tayo sa sapa. Di ba paborito mo yun? Yung maliligo na walang damit.”
Nagtawa si Fred.
“Kaso, marumi na pala ang Luningning. Kaya dito na lang tayo. Puwede naman tayong maligo sa banyo nang sabay at walang damit…”
Napamaang si Fred.
At lalo siyang napamaang nang makitang unti-unti nang hinuhubad ni Ganda ang damit. Napakaganda ni Ganda. Walang kasingganda. Matagal na rin mula nang unang makita ni Fred ang katawan ni Ganda. At nasasabik siya sapagkat ang “hiyas” na kanyang inaasam ay “buong-buo” pa. Walang pingas at sariwang-sariwa pa.
Ngayon ay eto na ang inaasam niya. Nasa harapan na lamang niya.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending