May hiyas pa sa liblib (109)

MAGINAW na sa umaga kaya maraming tao na naghahanap nang mainit na ilalaman sa kanilang sikmura. Eksaktung-eksakto ang aroskaldo at batsoy ni Freddie Boy.

Dagsa ang mga kustomer ng umagang iyon. Gustung-gustong makahigop nang sabaw ng batsoy at ang iba naman ay aroskaldo.

Umuusok ang bawat sandok ni Mulong. Lalo nang nagutom ang mga naghihintay sa mesa. Si Fred ang nasa kaha.

Nang malagyan ni Mulong ang malalaking tasa ng mainit na batsoy o aroskaldo, dadalhin na niya sa mesa nang nag-order. Isang grupo ang nag-order.

“Baka gusto n’yo ng puto. May masarap kaming puto,” alok ni Mulong.

“Talaga bang masarap? Baka hindi isosoli ko.”

“Masarap. Ano ilang pi-raso?” “Lima.”

Dinalhan ni Mulong.

“Bah mukha ngang masarap,” sabi ng isa at tinikman. “Masarap nga. Dalhan mo pa ng limang piraso.”

Nang umalis ang nasa kabilang mesa, isang grupo naman ang dumating. Aroskaldo ang gusto. Ina-lok din ni Mulong ng puto. Nasarapan din ang mga ito at nag-order pa.

Nang tingnan ni Mulong ang nilutong puto ni Ate Ganda, kaunti na lang. 

Pumasok siya sa loob para sabihin kay Ate Ganda.

“Ate, magluto ka pa ng puto. Kakaunti na ang nasa tindahan.”

“Meron na. Nagluto na ako. Huwag kang mag-alala at hindi tayo mauubusan.”

“Mabuti. Ang daming nakagusto sa puto mo. Ibang klase raw.”

“Meron pang masarap akong lulutuin. Merong iti­nuro si Lola na talaga raw babalik-balikan ng kustomer.”

“Naku patikim lang pala ang ginawa mo, Ate.”

“Oo, Mulong.”

Dati pagsapit ng alas dose ay wala nang kustomer at wala na rin kasing lutong aroskaldo at batsoy pero nang araw na iyon halos wala nang tigil ang dating ng tao.

Hindi makapaniwala si Fred. Anong magnet meron si Ganda at hinahatak ang mga customer?

(Itutuloy)

Show comments