^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (100)

- Ronnie M. Halos -

“SUMABOG daw ang LPG sa silong kaya nag­kasunog,” sabi ng la­laking kausap ni Fred.

“May mga namatay daw ba Brod?”

“Ewan ko. Pero sabi, marami raw naninirahan sa second floor. Doon nakatira ang may-ari ng restaurant. Meron daw mga estudyanteng nag­bi-bedspace.”

Dumating pa ang mga bumbero. Dumami rin ang mga nakikiusyuso. May mga naghahakot ng kanilang gamit at itina­tambak sa bangketa. Pati mga katabing bahay ng restaurant ay nadamay. Kumalat pa nang kuma­kalat ang apoy.

Hanggang sa makita ni Fred na pinaaalis ng mga pulis ang mga nag-uus­yuso. Maraming nagpipilit makalapit sa nasusunog na mga bahay.

Isang lalaki ang nagsi­sigaw at gustong lumapit sa nasusunog na mga bahay.

“Ang mag-ina ko! Ang mag-ina ko! Paraanin ninyo ako! Hahanapin ko ang mag-ina ko,!”

Pero pinigilan ng mga pulis ang lalaki. Nagpi­piglas ang lalaki. Gustong makakawala.

“Paraanin n’yo ako mga hayop kayo! Hahanapin ko ang mag-ina ko.”

Pero hindi pinayagan ang lalaki. Pinagsabihan ng mga bumbero na deli­kado ang lugar dahil sob­rang malaki na ang apoy. Tumawid na sa kabilang kalye. Maski ang barangay hall ay nadamay. Malakas ang hangin kaya madaling kumalat ang apoy.

Napabuntunghininga si Fred habang nakatanaw sa restaurant na nasunog. Tupok lahat. Parang dina­anan ng buhawi ang restaurant. Mga haligi na lang ang natanaw niya at umu­usok pa.

Wala na si Ganda! Pero ayaw tanggapin ng isip niya na may nangyari na nga kay Ganda. Malakas ang kutob niya na naka­ligtas si Ganda.

Hindi umalis si Fred sa lugar. Maghihintay siya at baka sakaling sumulpot si Ganda. Baka bago lumaki ang sunog ay nakatakbo si Ganda pababa.

Pero inabot na siya ng ilang oras sa lugar na iyon ay walang sumulpot na Ganda. Nawalan na ng pag-asa si Fred.

Lalo na siyang nanlumo nang sabihin ng isang la­laking nag-uusyuso na ma­rami raw namatay sa lumang bahay na ang ibaba ay restaurant. Pati raw may-ari ng restaurant at mga anak nito ay nasunog. Pati raw ka­tulong sa restaurant ay kasamang natupok.

Pinagpawisan nang malamig si Fred sa na­rinig.

Ipinasya na niyang umuwi. Habang nagla­lakad, hindi pa rin siya makapaniwala sa nang­yari na ganon kabilis mawawala si Ganda sa kanyang buhay.

(Itutuloy)

DUMAMI

GANDA

HAHANAPIN

MALAKAS

PARAANIN

PATI

PERO

RESTAURANT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with