May hiyas pa sa liblib(80)
“NAITANONG mo ba kung saan sa Maynila naroon si Ganda?” tanong ni Fred kay Raul.
“Hindi e. Basta ang sabi lang, nang mamatay ang lola, bigla na lang nagtungo sa Maynila si Ganda.”
Napatangu-tango na lang si Fred.
“Kung gusto mo, pumunta tayo sa Bgy. Villa-real at ikaw na mismo ang magtanong sa kapitbahay ng matanda. Kasi’y hindi ako makapagtanong dahil wala naman akong gaanong background sa maglola.”
“Sige, Raul. Pagkaga-ling natin sa bukid ko, puntahan natin yung dating tirahan nila. Malayo ba ‘yun sa Bgy. Luningning?”
“Malapit lang, Pinsan. Kasunod na barangay lang.”
Nagtungo sila sa bukid. Ang totoo’y mas gusto ni Fred na unahin muna ang pagtungo sa Villareal kaysa kanyang bukid pero sabi ni Raul kailangang makilala niya ang taong nag-aalaga sa bukid.
Ang lalaking nag-aalaga sa bukid niya ay mga 30-taong gulang, may-asawa at isang anak. Mukhang mabait at masipag. Rogelio ang pangalan. Gumawa si Rogelio nang mas mala-king kubo.
“Marami po akong aanihing palay at balatong, Sir. Kanino ko po ibibigay ang kaparte n’yo?” tanong ni Rogelio.
‘Kay Raul mo na lang ibigay.”
“Sige po.”
Umalis na sila pagkatapos at nagtungo sa Villareal. Mismong ang kapitbahay nina Lola Angela at Ganda ang kanilang nakausap. Namatay pala ang matanda dahil sa pulmonya.
“Meron daw pupunta-han sa Maynila si Ganda. Kamag-anak yata,” sabi ng babae na mga 50-taong gulang marahil.
“Saan daw po sa Maynila?”
“Sa Sampaloc daw.”
“Wala pong iniwang address?”
“Wala. Basta malapit daw sa National University.”
Nag-iisip na si Fred kung saan ang National University.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending