^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (77)

- Ronnie M. Halos -

“NAGING bayani ka pala e hindi mo kinu­kuwento sa akin,” sabi ni Raul na nagpapanting na ang taynga dahil sa nainom nila ni Fred. Namu­mu­ngay na na rin ang mga mata.

“Nangyari iyon ilang araw bago ako mag­tungo rito sa Manila kaya hindi ko naiku­wento sa’yo.”

“Kaya pala ganun na lamang kahigpit ang pag­tatanong mo sa matanda ay nakapagligtas ka ng isang buhay.”

“Oo pinsan. Kung hindi sa akin, baka naluray ang magandang apo.”

“Baka naman me gusto ka sa apo ni Lola?”

“Medyo.”

Nagtawa si Raul. Na­mungay lalo ang mga mata.

“Kapag nakita mo yung sinasabi kong apo, baka m­agustuhan mo rin, pin­san. Maganda talaga at ganun ang hinahanap ko.”

“Ba’t hindi mo balikan sa Luningning?”

“Mas mahal ko ang anak ko, pinsan. Maaari kong makuha yung ma­gandang apo pero mawa­wala naman ang anak ko. Ngayon magkasundo na kami ng anak kong si Kim.”

Napatango na lang si Raul. Sang-ayon siya sa ginawa ni Fred.

“Ano bang pangalan ng magandang apo, pinsan?” tanong ni Raul matapos dumampot ng pulutang crispy pata at saka isi­naw­saw sa suka. Isinubo.

“Ang tawag sa kanya ay Ganda!”

“Kakaibang pangalan. Maganda nga siguro,” sabi ni Raul.

“Maganda talaga siya.”

“Hayaan mo at kapag nagtungo ako sa Luning­ning ay papasyalan ko ang sinasabi mong si Ganda. Ibabalita ko sa’yo…”

“Hahanga ka kapag nakita mo si Ganda.”

Nagtawa si Raul.

Makalipas ang isang linggo, tumawag si Raul sa cell ni Fred.

“Wala nang tao sa kubo, pinsan. Madamo na ang paligid ng kubo na halatang matagal nang walang nakatira.”

Bigumbigo si Fred.

(Itutuloy)

ANO

BIGUMBIGO

HAHANGA

HAYAAN

MAGANDA

NAGTAWA

RAUL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with